Arjo Atayde, Nag-Positive sa COVID-19! Sinuway nga ba ang Health Protocol sa Baguio?

Mahigit dalawang buwan ng nananatili sa Baguio City ang award-winning actor na si Arjo Atayde. Para ito sa produksyon ng kanyang upcoming film na “Hey Joe.” Ngunit kamakailan lang, isinugod sa ospital ang aktor matapos di umano itong mahirapan huminga. Di nagtagal ay lumabas ang resulta na nag-positibo sa COVID-19 si Arjo.

Matapos ang insidenteng ito ay naglabas naman ng pahayag ang mayor ng Baguio City. Ayon kay Mayor Benjamin Magalong noong August 17, nagsimula sila ng imbestigasyon upang matukoy kung mayroon nga bang lumabag ng health protocol sa production staff ni Arjo. Dagdag pa nito ay pansamantala muna nilang iba-ban ang mga taping sa Baguio.

Read More: Jerald Napoles, Napaiyak at Napamura Matapos Malaman ang Sinabi ni Sharon Tungkol sa Kanya

“I know their intentions are good. They want to promote the city. But they have commitments they need to deliver. For some reason, Mr. Atayde left his group yesterday (August 16) without informing us, although I’m trying to reach out to him to instruct him on what to do with his group left in the city,” pahayag nito.

Nakarating rin daw sa kanila na mayroong ibang production staff ang lumabag sa mga health protocols. Labas-masok di umano ang ibang tao sa Baguio, at tuwing babalik sila ay hindi na sila dumadaan sa triage. Dahil sa paglabag na ito ay nadismaya rin ang mayor ng Baguio City.

Sa kabilang banda, ipinaliwanag naman ng kampo ni Arjo na hindi na sila nakapagpaalam dahil kinailangan isugod ng aktor sa ospital. Mayroon itong pre-existing medical condition, kung kaya naman kailangan niya ng agarang atensyon upang hindi ito lumala.

“The Atayde family has reached out to Mayor Benjamin Magalong and we assure him and the people of Baguio that we will comply with our commitments to the City. We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused,” pahayag ng Feelmaking Productions sa Instagram.

Read Also: Anak ni Ai-Ai, Stable ang Kalagayan Matapos Mahulog sa Bangin ang Kotse Dahil sa Hit and Run

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment