Isa si Mika Salamanca sa mga pinakasikat na influencers ngayon sa Pinas. Sa kanyang milyon-milyong subscribers at followers sa social media, maraming fans ang nakaantabay sa personal life ni Mika. At kamakailan lang, ginulat niya ang mga fans matapos ibunyag kung sino ang boyfriend niya ngayon! Curious rin ba kayong malaman ito?
Noong August 24, maraming fans ang nawindang matapos magbahagi ng ‘jowa reveal’ ang 21-anyos na social media influencer.
Walang iba kundi ang sikat na gamer na si H2WO, o mas kilala bilang John Paul Salonga ang kanyang boyfriend ngayon. Nag-upload rin si Mika ng kanilang couple selfie sa kanyang official Facebook page.


Read More: Kuya Josh, May Alitan nga ba kay Bimby Kaya Lumisan na sa Poder ni Kris Aquino?
Ayon kay Mika, ilang buwan rin nilang itinago ang kanilang relasyon mula sa publiko. Nais daw muna nilang ma-enjoy ang kanilang private relationship.
Ngunit hindi daw siya nagsisisi sa desisyon nilang ito, dahil sa kanilang low-key relationship set up ay mas lalo nilang nakilala ang isa’t-isa.
“After months of keeping the real score private, I’m happy to finally share it with everyone. I don’t regret not telling anyone right away. I enjoyed the time when it was just us, doing “us” things. We heard criticisms, but we waited patiently until it felt right to say things. Until we’re both readsy,” pahayag ni Mika.


Sa kabilang banda, agad namang umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang rebelasyong ito ni Mika. Maraming fans rin ang talagang natuwa at naka-move on na rin si Mika mula sa kanyang ex-boyfriend noon na si Mark Reyes. Silipin ang kanilang mga komento dito:
“Sana magtagal kayo. Sana ‘di ‘to matulad sa nauna mong pag-ibig. Nawa’y umabot kayo hanggang dulo.”
“Ito na ang panaginip na totoo na!”
“ganyan din kay mark reyes dati, nagbreak lang hays btw ss HAHAHAHHA.”
“‘Keeping the real SCORE private’ naks sana all naka score na! pabiyaya naman.”

Read Also: Mona Alawi, Isinugod sa Ospital Bago ang Kanyang 17th Birthday Dahil sa Matinding Karamdaman Niya
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment