"I'm not her husband"- James Reid, Ready na nga Bang Makita si Nadine na May Ibang Karelasyon?

Mahigit isang taon na rin simula ng maghiwalay ang celebrity couple na sina James Reid at Nadine Lustre. Mula 2017 ay sinubaybayan ng publiko ang kanilang relasyon, ngunit noong January 2020 lamang ay isinapubliko na ng JaDine ang kanilang hiwalayan. Sa kabila nito ay nananatili naman silang matalik na magkaibigan.

Mukhang unti-unti na ring nakaka-move on ang dalawa mula sa kanilang break-up. Kamakailan lang, nagpaunlak ng interview si James Reid sa Youtube channel ni Boy Abunda.

Diretsahan siyang tinanong ni Tito Boy kung anong reaksyon niya sakaling magkaroon man ng bagong manliligaw si Nadine ngayon.

Read Also: Larawan ni Nadine Lustre at Bagong BF na Foreigner Businessman, Usap-Usapan Ngayon Online!

Hindi agad nakaimik si James, ngunit tapat naman niyang sinagot ang tanong na ito. Ayon sa aktor, nais niyang sumaya si Nadine, kaya naman susuportahan niya ang mga desisyon nito. Nilinaw niya rin na hindi pa naman sila mag-asawa, kaya malaya si Nadine na makipag-date sa kahit kanino niya gustuhin.

“I don’t think anyone in that situation is really excited to see their ex with someone else, but you know, that’s not my choice.

“If magically I had to decide whether or not she’d be with someone, of course, I wish her the best. I want her to be happy. I’m not her husband, neither am I her father, so she can do whatever makes her the happiest.”

Kamakailan lang, kumalat ang bali-balitang mayroong bagong boyfriend si Nadine. Ito’y matapos mag-viral ang mga larawan ni Nadine at ng French businessman na si Christophe Bariou.

Nagkakilala di umano si Nadine at Christophe sa isang luxury resort sa Siargao, na pagmamay-ari ni Christophe.

Sa mga larawan, makikitang malapit sa isa’t-isa si Nadine at Christophe. Ngunit sa ngayon ay mas pinili namang manahimik ni Nadine tungkol dito. Natutuwa rin ang mga fans makitang nakaka-move on na ang aktres mula sa hiwalayan nila ni James.

Read More: Long Mejia, Pinagbayad ng P400,000 Dahil sa Pagpa-Prank kay Aiko Melendez

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment