Ilang buwan matapos silang ma-engaged, mukhang nagpa-plano na ng kasal ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Kamakailan lang, sa isang interview ay tinanong si Derek tungkol sa mga imbitado sa kanilang kasal. Imbitado nga ba ang dating partner ni Ellen Adarna na si John Lloyd Cruz?
Ayon kay Derek, si Ellen ang magde-desisyon kung nais niya bang dumalo si John Lloyd ng kasal nila. Nilinaw niya rin na walang ‘bad blood’ sa pagitan nila ni John Lloyd, kaya naman hindi siya tututol kung imbitado ito sa kasal. Maayos rin daw ang co-parenting relationship ni John Lloyd at ni Ellen.

Read More: Jamill, Binebenta na ang Mamahaling Ari-Arian! Tinatakasan nga ba ang BIR?
“That’s up to Ellen. I wouldn’t mind if she decides that she would want him there to see Elias, siya ang ring bearer namin. It’s perfectly fine for me. Wala namang animosity between John Lloyd and me, so super okay naman sa akin yun,” pahayag ni Derek sa kanyang interview.
Dagdag pa ni Derek, intimate wedding lamang ang pina-plano nila, kaya naman konti lang ang kanilang bisita na iimbitahin sa kasal nila.
Kung hindi man daw imbitado si John Lloyd, ito ay dahil pili lamang ang kanilang mga bisita. At hindi raw ito dahil sa may alitan sa pagitan ni John Lloyd at Ellen.


“Pero yung wedding namin is sobrang liit, sobrang maliit. Talagang very, very intimate, very, very small. Di ko alam kung mangyayari yun, pero di dahil sa dahilan na magkagalit si Ellen saka si John Lloyd. They are very civil with one another and they are doing a good job co-parenting Elias.”
Hindi naman ibinunyag ni Derek ang lahat ng detalye sa kanilang nalalapit na kasal. Isa lamang daw ang masisigurado niya: ngayong taon na ito gaganapin, ngunit hindi pa sila sigurado sa eksaktong petsa. Hindi rin daw sila masyadong nai-stress ni Ellen sa pagpa-plano ng kanilang nalalapit na wedding.
Read More: Jowa Reveal ni Mika Salamanca, Nagpanganga sa mga Fans! Kilalanin ang Boyfriend Niya Dito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment