"Pinatawad niya ako"- Daniel, Ibinuking ang Malaking Pagkakamali na Nagawa Niya Kay Kathryn

Si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, o mas kilala bilang ‘KathNiel,’ ang isa sa mga hinahangaang celebrity couples ngayon. Sa ilang taon nilang tambalan, pinatunayan ni Kathryn at Daniel na maaaring magkaroon ng matibay na relasyon kahit pa nasa mundo sila ng showbiz. Kaya naman tinagurian silang ‘couple goals’ ng kanilang fans.

Sa kanyang nagdaang interview kay Tito Boy Abunda, sinagot rin ni Daniel kung mapapatawad niya ba si Kathryn kung sakaling magkamali ito.

Agad naman itong sinagot ni Daniel, at ipinagtapat niya rin na nakagawa na siya ng malaking kasalanan kay Kathryn dati ngunit pinatawad pa rin siya nito.

Read More: Bea Alonzo, May Mensahe sa ‘Insincere’ Apology ni Gerald Anderson sa Kanya!

“Kung sakaling may ganun sa isang relasyon ko, kapag ako ay trinaydor at may ginawang mali, kaya kong patawarin ‘yung tao na ‘yun. That happened to me before. At si Kathryn pinatawad ako. Nagkamali ako before. I was a kid, I was stupid. And still tinanggap niya ako, tinanggap niya ako ng buo,” pahayag ni Daniel.

Ipinagtapat rin ni Daniel na hindi perpekto ang kanilang relasyon ni Kathryn. Kadalasan ay may mga bagay rin silang di napagkakasunduan, ngunit agad naman nilang naaayos ito.

Hindi rin daw maiiwasan ang isyu ng pagseselos sa ibang tao, ngunit buo naman daw ang tiwala niya sa kanyang girlfriend.

“Ako seloso ako pero hindi ako nagseselos kay Kathryn kasi alam kong wala naman dating sa kanya ‘yung mga lalaki. Kapag ako nagselos, doon ako badtrip sa kung sino lumalapit sa kanya. ‘Yun ‘yung kakausapin ko. I will talk to the guy, ‘Hey man, that’s too much.’ Kasi ako komportable ako na wala eh,” dagdag pa nito.

Isa na marahil sa nagpapatibay ng kanilang relasyon ay ang tiwala at respeto nila sa isa’t-isa. Kahit pa ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Sa katunayan, nabalita na rin na di umano’y engaged na ang dalawa, ngunit hanggang ngayon ay haka-haka pa rin ito.

Read Also: Ivana Alawi, Napatili sa Kilig Matapos i-Greet ng Kanyang Ultimate Crush sa Showbiz!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment