Isa si DJ Loonyo sa mga sumikat na social media influencers noong 2020. Si DJ Loonyo, o mas kilala sa totoong buhay nilang Rhemuel Lunio, ay sumikat sa TikTok dahil sa kanyang mga nakakamanghang dance videos. Maraming babaeng fans ang nahumaling dahil sa taglay na charm nito, at di nagtagal ay umabot na sa milyon ang followers nito sa TikTok at Facebook.
Dahil sa kanyang swabeng dance moves at boy-next-door look, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming fans ang nahuhumaling kay DJ Loonyo.
Sa katunayan, ilang beses na rin siyang na-link sa mga sikat na female celebrities. Isa na sa kanila si Ivana Alawi, ngunit hindi nagtagal ang online romance ng dalawa.


Read More: Nanay ni Vice Ganda, Napaiyak Matapos Makita ang Bagong Bahay na Ipinagawa ni Vice Para sa Kanya!
Ngunit alam niyo bang may bagong babae na palang nagpapasaya kay DJ Loonyo ngayon? Kamakailan lang, kinilig ang mga fans matapos ipakilala ng online sensation ang babaeng nagpapatibok sa puso niya ngayon. Ito’y walang iba kundi si Faye Protacio.
Sa kanyang nagdaang interview sa Philippine Entertainment Portal, ibinahagi ni DJ Loonyo na natagpuan na niya ang babaeng nagpapasaya sa kanya: “Mayroong makikinig sa iyo, mayroon kang paglalabasan, mayroon kang second opinion parati. Blessing siya, I’m really inspired to do more,” pahayag nito.

Dagdag pa ni DJ Loonyo, nai-inspire rin siyang pagbutihan ang kanyang mga pangarap dahil kay Faye. Kahit pa non-showbiz ito, sikat sa social media ang kanyang girlfriend dahil marami rin itong followers sa TikTok.
“Malaking tulong na mayroon tayong special na tao sa buhay natin. Na-try ko na wala, and there are times you wanna celebrate pero wala kang mapagsabihan. You have slight or small problems, pero wala kang mapagsabihan,” dagdag pa ni DJ Loonyo.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment