Louise Mabulo, Lumapit sa CHR Upang Ipa-Persona Non Grata si Nas Daily sa Pinas!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagwawakas ang kontrobersya na kinakaharap ng vlogger na si Nas Daily. Kamakailan lang, nadawit ito sa isyu dahil sa di umano’y pange-exploit nito kay Whang-od Oggay sa kanyang ‘Nas Academy.’ Isinali ni Nas sa kanyang platform ang tradisyon ng pagta-tattoo ni Whang-Od nang walang permiso mula dito.

Magmula iyon ay tuloy-tuloy na ring nagsalita ang ibang tao sa social media. Isa na sa kanila ay si Louise Mabulo, isang social entrepreneur sa Camarines Sur.

Si Louise rin ang founder ng “Cacao Project” na nakatulong sa mahigit 200 na magsasaka, at dahil sa tagumpay ng initiative na ito ay binisita rin siya ni Nas Daily upang i-cover ito.

Read More: Kris Bernal, Nagsalita na sa mga Bashers na Tinatawag Siyang ‘Buto’ at ‘Kalansay’ sa Social Media

Ngunit ayon sa international vlogger, nadismaya siya dahil hindi naman daw totoo ang initiative ni Louise, at wala itong natutulungang magsasaka.

Dahil dito, bumwelta naman si Louise sa di umano’y pambabastos ni Nas sa kultura ng Pinoy. Ayon pa kay Louise, hindi nirerespeto ni Nas ang mga sakripisyo at paghihirap ng mga magsasaka.

Kaya naman kamakailan lang ay nakipag-meeting ito sa Commission on Human Rights upang ireklamo ang di umano’y paninirang-puri sa kanya ni Nas. Kaya naman nais niyang aksyunan ito ng CHR at ideclare na persona non grata ang sikat na vlogger sa Pilipinas.

“Their investigation on the recent issues surrounding the exploitation against me and the farmers here perpetuated by some vlogger. The attacks against me are on social media, but my platform is real life— undeniable. Rest assured that actions are being taken to safeguard our people, and prevent further incidents like this.”

Kapag ang isang tao ay napatawan ng ‘persona non grata,’ hindi na ito maaaring bumisita o pumunta pa sa lugar na iyon. Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng CHR ang isyu na ito, at kung karapat-dapat nga bang mapatawan ng persona non grata si Nas.

Read Also: John Regala, Isiniwalat ang Kinikimkim na Saloobin sa Fake News na Pumanaw na Siya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment