"Tensyonado kasi makakasama ko siya"- Coco Martin, Ninenerbyos Muling Makatrabaho si Julia Montes sa "Ang Probinsyano"

Ganado muli si Coco Martin na bumalik sa taping ng kanyang longest-running series na “FPJ’s Ang Probinsyano.” Sa pagkakataong ito, makaka-trabaho ni Coco ang kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes. Ito ang kauna-unahang pagbabalik telebisyon ng aktres matapos ang kanyang showbiz hiatus noong taong 2017.

Sa kanilang double interview sa Dreamscape Entertainment, ibinahagi ni Coco na labis siyang kinakabahan na muling maka-trabaho si Julia. Ayon sa beteranong aktor, hindi siya makatulog dahil sa tensyong nararamdama niya sa muling pagsasama nila ni Julia sa isang proyekto.

Read More: Ellen Adarna, Sinupalpal ang Netizen na Tumawag sa Kanyang “Feeling Gwapa” sa Instagram

“Ako ‘yung di nakatulog. Ako ‘yung tensyonado kasi makakasama ko siya. Hindi ako pwede magkamali this time. Dito pa ba ko sasablay? Ako ‘yung natataranta. Ako ‘yung ninenerbyos. Ewan ko bakit ko pinasok ‘to?” Ito ang natatawang pahayag ni Coco Martin sa kanilang exclusive interview.

Dagdag pa ng aktor, labis ring pinaghandaan ni Julia ang pagsabak niya sa “Ang Probinsyano.” Sa katunayan, nag-training rin siya at nag-aral kung paano sumakay sa motorsiklo. Si Coco rin mismo ang personal na nagturo sa kanya sa tamang paraan ng paghawak ng baril.

Ayon kay Coco, ganado siyang mag-taping dahil bago ang kanilang cast at talaga namang kapana-panabik ang kanilang mga eksena. Malaki rin ang pasasalamat niya sa mga loyal viewers na patuloy sumusuporta sa “Ang Probinsyano” sa anim na taong pag-ere nito sa telebisyon.

“Hanggang ngayon excited pa ko. Di ako nakakaramdam ng pagod. Lagi akong ganado. Lagi akong nae-excite. May bagong cast. Ang laki ng tatakbuhin ng kwento. Para akong gumagawa ng bagong show,” dagdag pa nito.

Sa kabilang banda, hindi naman ibinuking ni Coco kung mayroon ba silang love affair ng co-star sa programa.

Read Also: Sanya Lopez, Takot nga bang Masapawan ni Bea Alonzo sa Paglipat Nito sa GMA 7?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment