Sa panahon ngayon, usong-uso na ang pag-eedit ng mga larawan sa social media. Nauuso na rin ang mga editing apps, at sa isang click lang ay mababago mo na ang iyong mukha o katawan sa pamamagitan ng mga filters. Maging ang mga artista at sikat na personalidad ay gumagamit rin ng mga editing apps sa kanilang larawan.
Isa na sa kanila ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola. Kamakailan lang, para sa kanyang bagong vlog entry ay nagparticipate sa “Never Have I Never” challenge si Jessy at ang mister niyang si Luis Manzano. Tinanong ni Luis si Jessy kung nage-edit ba ito ng photos, at tapat naman itong sinagot ni Jessy.


Read More: John Prats at Isabel Oli, Excited na sa Pagpapatayo ng Kanilang Bonggang Dream Home!
Ayon sa aktres, dati ay ine-edit niya ang kanyang mga larawan dahil natatakot siyang ma-bash ng mga netizens online.
Nangyari daw ito noong nagbago ang kanyang katawan dahil sa weight gain, kaya naman labis siyang na-conscious sa kanyang image.
“I have. I tried editing my photos nung time na super taba ko tapos bina-bash ako ng mga tao. So medyo nag-iba ‘yung pag-iisip ko doon or pananaw ko. Kailangan, shocks, payat lagi ang i-post ko sa social media. Dapat walang stretch marks, dapat walang imperfections para hindi ako i-bash.”

Ngunit napagtanto raw ni Jessy na edited man ang kanyang photos o hindi ay may masasabi pa rin ang mga bashers.
Kaya naman napagdesisyunan ng aktres na magsikap maging fit and healthy upang hindi na niya kailanganin pang mag-edit ng larawan para lang sa social media.
Talaga namang kapansin-pansin ang pagbabago sa kanyang katawan. Sa loob lamang ng ilang buwan ay nagbalik-alindog si Jessy Mendiola. Natulungan rin daw siya nitong maging mas confident sa kanyang sarili, kaya naman hindi na niya pino-Photoshop ang kanyang mga larawan ngayon.

Read Also: Hunk Actor, Nangutang ng P30k Mula kay Lolit Solis Para sa Pang-Gatas ng Sanggol na Anak
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment