Babae, Dismayado Matapos Pangakuan ni Rudy Baldwin na Magiging Leading Lady ni Piolo Pascual!

Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang kontrobersyang bumabalot sa social media psychic na si Rudy Baldwin. Kamakailan lang, inireklamo si Baldwin sa programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo” dahil sa di umano’y palpak na mga hula nito sa kanyang dalawang kliyente.

Matatandaang sumikat si Rudy Baldwin sa social media dahil sa kanyang mga pangitain na di umano’y nagkakatotoo. Kaya naman maraming tao ang nais rin magpahula kay Baldwin upang malaman ang kanilang kapalaran. Ngunit laking dismaya ng babaeng ito dahil sa mga hula sa kanya na hindi naman daw nagkatotoo.

Read More: Nanay ni Vice Ganda, Napaiyak Matapos Makita ang Bagong Bahay na Ipinagawa ni Vice Para sa Kanya!

Kabilang na sa mga nag-reklamo tungkol kay Baldwin ay si Elzen Estores. Ayon kay Estores, niloko lamang siya ni Baldwin dahil sa mga pekeng visions nito. Nagbayad siya upang malaman kung ano ang kanyang magiging kapalaran, ngunit nadismaya siya dahil kahit isa sa mga hula nito ay walang tumama.

“Puro po kamalasan ang nangyari sa buhay ko, Sir Raffy. Ang ipinangako po kasi sakin na na-navision daw po niya na magiging mayor daw po ako sa Bulacan,” pahayag ni Estores sa kanyang interview kay Raffy Tulfo. Ngunit hindi lang daw iyan ang ipinangako sa kanya ng sikat na manghuhula.

Inutusan din daw siya nitong ibenta ang kanyang mga ari-arian gaya na lamang ng sasakyan at alahas dahil malapit ng magunaw ang mundo. Bukod pa diyan ay nangako rin daw si Baldwin na magiging leading lady siya sa bagong pelikula ni Piolo Pascual, ngunit hindi naman daw ito nangyari.

Sa kabilang banda, itinanggi naman ni Baldwin ang mga paratang sa kanya. Ayon dito, handa siyang harapin sa korte ang mga complainant. Nakiusap rin siya sa mga netizens na huwag nang idamay si Piolo Pascual sa isyung ito dahil wala namang kinalaman dito ang aktor.

“Huwag niyo naman idamay si Piolo Pascual. Good luck at naka-save ang death threat mo sa akin. Nagkita na lang tayo sa korte, Ms. Solen,” dagdag pa ni Baldwin sa kanyang Facebook page.

Read Also: Lyca Gairanod, Isiniwalat ang Nakakaiyak na Dahilan Kung Bakit Ibinenta Niya ang House and Lot Prize sa “The Voice”

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow at mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment