Sa mundo ng showbiz, hindi madaling isapubliko ang iyong personal na relasyon. Maraming celebrity couples na ang naghiwalay dahil sa pressure ng mga fans sa kanilang pagsasama. Sa kabila ng lahat, pinatunayan ni Vice Ganda at Ion Perez na maaari pa ring magkaroon ng healthy at long lasting na relasyon kahit pa sila’y nasa showbiz industry.
Maituturing sila na ‘power couple’ ngayon, dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nila ay nananatiling matatag ang kanilang pagsasama.
Nagsimula ang kanilang pagtitinginan matapos magka-trabaho si Vice at Ion sa noontime show na “It’s Showtime.” Noong una pa lang ay aminado na si Vice na napapasaya siya ni Ion.


Read Also: Larawan ni Nadine Lustre at Bagong BF na Foreigner Businessman, Usap-Usapan Ngayon Online!
Dahil dito, maraming fans ang talagang nakasubaybay sa kanilang relasyon. Natutuwa rin silang makita na masaya si Vice Ganda at Ion sa kanilang pagsasama. Sa kanyang nakaraang interview, ibinahagi rin ni Ion kung gaano kahalaga sa kanya si Vice, kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa pagmamahal at suporta nito sa kanya.
Magtatatlong taon na ang pagsasama ng dalawa, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nauubos ang kilig sa kanilang relasyon. Sa katunayan, kamakailan lang ay muli na namang pinakilig ni Vice at Ion ang kanilang mga fans. Nagbahagi si Vice ng kanilang sweet moments habang nagbabakasyon sa isang beach resort.

Ayon naman sa mga fans, kasal na lang ang kulang para sa celebrity couple. Sa katunayan, maraming fans ang humihiling na gawin ng opisyal ni Vice at Ion ang kanilang pagsasama.
Kahit hindi pa legal ang same-sex marriage sa Pinas, maaari namang magpakasal abroad ang dalawa upang maging legal ang kanilang relasyon.
Sa kabilang banda, ipinahayag rin ni Vice na ready na siyang magkaroon ng anak. Ayon sa komedyante, tumatanda na siya at nais niya ring maranasan na magkaroon ng sariling anak na mamahalin niya.

Read More: Long Mejia, Pinagbayad ng P400,000 Dahil sa Pagpa-Prank kay Aiko Melendez
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment