Basher, Natameme Matapos Diretsahang Sagutin ni Ai-Ai delas Alas ang Pambabatikos Nito kay Gerald

Sa panahon natin ngayon, talagang talamak na ang mga bashers sa social media. Kahit pa gaano kaganda o kapositibo ang post mo, hindi maiiwasang may mga bashers pa rin ang magkokomento ng di magandang bagay dito. Kaya naman imbes na manahimik, mas pinili ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na sagutin ang bastos na netizen na ito.

Kamakailan lang, nagbahagi si Ai-Ai ng kanyang masayang picture sa social media. Sa Instagram, makikita ang kanilang buong pamilya na masayang nagsasalo-salo ng dinner. Naroon rin ang dalawang anak ni Ai-Ai na sina Sancho at Sophia, at present rin ang asawa niyang si Gerald.

Read Also: Aljur Abrenica, Masaya Raw sa Buhay Ngayon sa Kabila ng Hiwalayan Nila ni Kylie

Ayon kay Ai-Ai, masaya siya dahil hindi araw-araw ay kumpleto sila tuwing dinner time, kaya naman ibinahagi niya ang kanilang family photo. Ngunit isang netizen naman ang nag-iwan ng di magandang komento: “Anong tawag ng mga anak mo sa asawa mo? Eh mukhang maanda pa po anak mo sa asawa mo? Ask lang.”

Hindi naman pinalampas ni Ai-Ai ang komentong ito. Imbes na i-ignore na lamang, sinagot niya ang netizen ng diretsahan. “Tawag ko sa asawa ko Darl, tawag ko sayo tae hahaha g*g* u**l. Laki laki ng mukha mo parang kinagat ng ipis. Nananahimik pamilya namin sa masayang dinner dami mong sinabi animal!”

Maging ang mga anak ni Ai-Ai na sina Sophia at Sancho ay sumagot rin sa basher. Nilinaw nila na Gerald lamang ang tawag nila sa mister ng kanilang ina.

Mukhang hindi rin nila nagustuhan ang komento ng basher, at tinawag nila itong “kupal” sa pangingialam sa kanilang buhay.

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang naaliw sa sagot ni Ai-Ai sa kanyang basher. Sa panahon ngayon, mas maigi talagang diretsahin ang basher kaysa manahimik na lamang. Talagang ‘Unbothered Queen’ ng social media si Ai-Ai.

Read More: Ogie Diaz, May Prangkang Advice kay Dani Barretto Tungkol kay Kier: “Mag-Ama pa rin Kayo”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment