"It's very obvious"- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!

Mukhang ang 2021 ay taon talaga para sa mga jowa reveal! Nitong mga nakaraang buwan, marmaing celebrities na ang umamin ng kanilang relasyon sa publiko. Isa na sa kanila ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Maris Racal, na kamakailan lang ay ibinunyag na ang totoong relasyon nila ng OPM singer na si Rico Blanco.

Sa mga nakaraang linggo, naging usap-usapan sa social media ang di umano’y pagiging malapit ng dalawa. Maraming fans rin ang nakapansin na tila ba may intimacy si Maris at Rico sa social media. Kaya naman maraming netizens ang nais malaman kung ano nga ba ang totoong namamagitan sa dalawa.

Read More: 13-Anyos na Bata, Napilitang Magpakasal sa 48-Anyos na Lalaki Bilang Panlimang Asawa Nito

Sa kanyang nakaraang interview, sa wakas ay tinuldukan na rin ni Maris ang panghuhula ng mga netizens. Inamin ng 24-anyos na Kapamilya star na may relasyon sila ni Rico Blanco, na 48-anyos na. Ayon kay Maris, sa tingin niya ay obvious naman mula sa kanyang mga social media posts ang real score nilang dalawa.

“Kami po ni Rico, uhm.. I think basing po sa post na ginawa ko po, I think it’s very obvious. Right now, we’re very excited. We’re busy din. We’re preparing such beautiful music together. Yeah, abangan po nila yun soon. And yun po.”

Mas pinili niya ring hindi na magbigay ng iba pang detalye tungkol sa kanilang relasyon. Ngunit ayon kay Maris, may dapat abangan ang mga fans. Sa ngayon ay busy raw sila ni Rico sa paggawa ng music, at nais nilang ibahagi ito sa kanilang mga fans sa social media.

Sa kabila ng kanilang May-December relationship, makikitang masaya at komportable naman si Maris at Rico sa isa’t-isa. Maraming fans naman ang nagpahayag ng kanilang kilig vibes sa rebelasyon na ito.

Read More: Sexy Star Sunshine Guimary, Nahuli sa Akto ang Ex-Boyfriend na May Kasamang Ibang Babae!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment