Isa si Ai Ai delas Alas sa mga pinakasikat na komedyante ngayon sa showbiz industry. Ngunit alam niyo ba na hindi lang sa career swerte si Ai Ai? Bukod sa kanyang namamayagpag na career, talagang pinagpala rin si Ai Ai sa kanyang personal na buhay. Nitong Abril lang, nagdiwang si Ai Ai at ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan ng kanilang ika-pitong anniversary.
Ngunit bago pa man niya makilala ang kanyang one true love, aminado ang komedyante na marami rin siyang pinagdaanan sa kanyang love life noon. Sa katunayan, naranasan na niyang maging ‘other woman’ o kabit matapos siyang makipagrelasyon sa isang lalaki na mayroon ng asawa.

Read More: Batang Babae na Di Umano’y Pinaglihi sa Barbie, Hinangaan Dahil sa Kakaibang Itsura Nito!
Sa kanyang dating interview, inamin ni Ai Ai na hindi naging madali ang kanyang karanasan noong kay Miguel Vera, na tatay rin ng dalawa niyang anak.
Noong mga panahong may relasyon sila ay kasal pa si Miguel sa kanyang legal wife na si Cristine. Aminado naman si Ai Ai na mali ang kanyang nagawa.
“Naranasan ko rin, mahirap, iyak ka ng iyak, mahirap! Siyempre kung ano lang ang time para sayo. Kasi siyempre doon siya kay Cristine, alangan naman. Hindi lang naman ako ang nakaranas na maging Cavite City. Alam ko na, pero at the end, gino ko pa rin, so mali pa rin ako,” paglilinaw niya.

Bukod pa dito, aminado rin ang komedyante na hindi siya naging masaya sa kanilang relasyon sa loob ng pitong taon. Mahirap ang kanilang sitwasyon, lalo pa’t mayroong dalawang anak si Ai Ai at Miguel. Gayunpaman, nakahanap si Ai Ai ng lakas ng loob para talikuran ang ganitong set up.
Kaya naman nagbigay rin siya ng payo sa mga kababaihan na mayroong pinagdaraanan kagaya niya.
“Parang ang bigat bigat ng buhay mo, tapos parati kang malungkot, ganun. Hindi ka maging masaya. Masama ang maging Cavite girl, try niyo na lang wag maging ganun. Kung pwede na iwasan, iwasan na lang kasi siyempre, sabi ko nga, bawat pagpatak ng luha noong legal na asawa, pagbabayaran mo.”

Read Also: Business Tycoon, Nag-Regalo ng P700 Million sa Anak na Nakapagbigay sa Kanya ng Lalaking Apo
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment