Talagang it takes guts to be a Gutierrez! Iyan ang pinatunayan ni Lorin, na anak ng beteranang aktres na si Ruffa G. Kamakailan lang, nagbahagi ito ng sizzling selfie sa social media na umani ng reaksyon sa mga netizens. Agad namang nag-react ang kanyang tito na si Richard Gutierrez.
Bilang isang tito, hindi na maaalis kay Richard ang pagiging protective sa kanyang mga pamangkin, lalo pa’t babae ito.
At bilang lalaki, alam rin ng beteranong aktor kung paano tumakbo ang isip ng ibang lalaki sa social media, kaya naman pinaalalahanan nito ang kanyang pamangkin matapos itong mag-post ng daring photo.


Read More: Ex-Crew ng Jollibee, Ipinaliwanag ang ‘Foul Play’ na Nangyari sa Viral Jollitowel
Kamakailan lang, nagbahagi si Lorin sa Instagram ng sizzling selfie, kung saan makikitang nakasuot ito ng black swimsuit at shorts. Talagang marami ang napahanga sa ganda ng anak ni Ruffa Gutierrez. Ngunit nangibabaw ang comment ni Richard sa larawang ito.
Naunang mag-comment si Ruffa, kung saan pinuna nito ang pagsusuot ng shorts ng anak kahit pa nakalantad na ang swimsuit nitoL “Nag shorts ka pa ha!” Nag-komento rin si Richard, at pinayuhan ang pamangkin na magsuot ng ibang outfit na hindi masyadong revealing upang hindi siya pagpyestahan ng iba.

“Cover yourself. I don’t want any of these guys check you out,” pahayag ni Richard. Imbes na seryosohin ang comments ng kanyang ina at tito ay natawa na lamang si Lorin.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman humanga kay Richard dahil sa pagiging protective tito nito. May iba ring ikinumpara si Ruffa kay Lorin, dahil noong kabataan daw ng beteranang aktres ay ganitong ganito rin ang interaction nila ng kanyang nanay na si Anabelle Rama.

Read Also: 12-Anyos Bata na 24 Oras ng Nawawala, Natagpuan na Na-Trap sa Bangin!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment