"Lumalapit siya, bumebeso siya"- Jessy Mendiola at Ex-BF JM De Guzman, Magkaibigan na nga ba Ulit?

Noong June 10 ay muli na namang nag-upload ng bagong vlog ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola. Sa pagkakataong ito, sinagot niya ang mga most-asked questions sa kanya sa social media. Kinalap ni Jessy ang mga nakaka-intrigang tanong ng kanyang mga fans tungkol sa kanyang career, love life, at personal na buhay.

Sa kanyang vlog, ginamit na rin ni Jessy ang apelyido ng asawa niyang si Luis Manzano. Matatandaang ilang buwan pa lamang ang nakakalipas simula nang ikasal si Jessy sa kanyang long-timme boyfriend na si Luis. Ilang taon ring magkarelasyon ang dalawa bago sila tuluyang pinag-isang dibdib sa isang private ceremony sa Batangas.

Read More: Isang Ina, Lumuhod na Nagmakaawa sa Dalagang Anak na Nakipagtanan sa 30-Anyos na Lalaki

Ngunit hindi rin lingid sa kaalaman ng publiko na bago pa man ikasal si Jessy ay may mga naging love interest na rin ito dati. Kabilang na sa kanila si JM de Guzman, na naging ka-love team ni Jessy noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang career sa Kapamilya network. Mula sa pagiging on-screen lovers ay natuloy rin sa totohanan ang kanilang romance.

Taong 2015 naman nang ibunyag ni Jessy na hiwalay na sila ni JM. Sa kabila nito, maraming fans pa rin ang curious kung magkaibigan pa ba sila ng kanyang ex-boyfriend. At sa kanyang nakaraang Q&A, ibinahagi ni Jessy ang totoong estado ng kanilang relasyon ngayon ni JM.

Ayon sa aktres, hindi na sila masyadong nag-uusap simula nang mag-break sila noong 2015. Gayunpaman, tuwing nagkikita o nagkakasalubong daw sila ay lagi silang nag-uusap dahil wala namang hard feelings sa pagitan nila.

“Whenever I see him, I say ‘Hi’ and same lang din naman siya sa akin kapag nakikita niya ako lumalapit siya, bumebeso siya. So, we’re okay naman,” paglilinaw pa ni Jessy.

Read Also: Hinahangaang Beauty Queen, Ibinuking ang Matinding Karamdaman na Pinagdaraanan Niya Ngayon

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment