Tupa, Halos Di na Makilala Matapos Ahitin ang Mahigit 34 Kilos na Balahibo Nito

Ang mga tupa ay ang pangunahing pinagmumulan ng wool. Ito ay isang uri ng tela na ginagawang kumot, jacket, o damit dahil sa insulation properties na ito. Upang mahango ito, kailangang tanggalin ang wool mula sa tupa gamit ang pang-ahit. Kapag hindi ito naahit, magpapatuloy ito sa pagtubo hanggang sa mahihirapan ang tupa dahil sa bigat ng kanyang wool.

Kamakailan lang, isang tupa mula sa Australia ang na-rescue matapos itong magpagala gala sa kagubatan! Ilang buwan rin itong nawala, kaya naman nang makita ang tupa ay halos hindi na ito makilala dahil sa kapal ng wool nito. Kaya naman umani siya ng nakakatuwang pangalan na ‘Baarack the Sheep.’

Read More: Angel Locsin, Balik Alindog na! Ibinahagi ang Simula ng Kanyang Fitness Journey

Nang makita siya ng mga tauhan ng isang sanctuary, tinatayang nasa 75 pounds na ang balahibo ni Baarack. Sa sobrang bigat nito ay halos hindi na rin makakita ng maayos ang tupa. Kaya naman tinulungan nila ito sa pamamagitan ng pag-ahit sa makapal na fleece ni Baaracck.

“From relieving him of all that wool, removing the long and pointy grass seed that had become wedged between his cornea and eyelid that had caused a nasty ulcer, through to the many hours we spent painstakingly plucking dozens and dozenns of doggedly determined grass seeds, Baarack, a being of reason, sees us as the good guys,” pahayag ng rescue team sa Facebook.

Dahil sa malasakit nila sa tupang ito, talagang napakalaki ng pagbabago ni Baarack! Maraming mga netizens ang hindi makapaniwala sa transformation nito. Upang hindi ito agad lamigin, nilagyan rin nila ng kumot si Baarack habang muling kumakapal ang balahibo nito.

Ayon naman sa rescue team na Edgar’s Mission, masaya sila dahil natulungan nila ang tupang ito. Maaari rin daw maging mapanganib kapag hindi naahitan ang tupa, dahil maaaring hindi ito makakita ng maayos sa kapal ng kanyang balahibo. Sa ngayon ay kasama ni Baarack ang iba pang tupa sa kanilang sanctuary.

Read Also: Dating Goin’ Bulilit Child Star, Pinanganga ang mga Fans sa Nakakagulat na Transformation Nito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment