Para sa isang ina, wala na sigurong mas sasakit pa ang mawalay sa iyong anak. Kaya naman habang bata pa sila ay ginagabayan at pino-protektahan sila ng kanilang nanay at tatay. Ngunit masaklap mang isipin, may mga anak na suwail at mas pinipili ang kanilang barkada o karelasyon kaysa sa kanilang sariling magulang.
Kamakailan lang, maraming netizens ang napaluha sa nakakaawang kalagayan ng ina na ito. Kumalat sa social media ang larawan kung saan makikitang nakaluhod ang ina na umiiyak sa harap ng kanyang anak na dalaga. Ngunit bakit nga kaya napahagulgol ang nanay na ito sa harap ng anak niya?


Unang nai-feature sa programang “Wanted sa Radyo” ang kaso na ito. Dumulog ang ina sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang magpatulong na mabawi ang kanyang menor de edad na anak na nakipagtanan. Ang masaklap pa dito, sa isang 30-anyos na lalaki daw sumama ang kanyang dalagitang anak.
Nang magkita sila ng kanyang anak sa barangay ay hindi mapigilan ng nanay ang kanyang emosyon. Matagal na niya itong hinahanap, kaya naman labis ang tuwa niya na makitang ligtas ang kanyang anak. Ngunit hindi niya inaasahan ang maririnig na masasakit na salita mula sa kanya mismong anak.

Ayon sa dalagita, mayroon siyang sama ng loob at hinanakit sa kanyang ina lalo pa’t kinasuhan nito ang kanyang boyfriend. Matapos marinig ito, hindi napigilan ng ina na umiyak at lumuhod sa harap mismo ng kanyang anak. Sinusuyo niya rin ito upang sumama sa kanya at umuwi na sa kanilang tahanan.
Sa kabilang banda, dahil napatunayang pinagsamantalahan niya ang bata, haharap naman sa patong-patong na kaso ang lalaki. Maraming netizens rin ang nagpahayag ng simpatya sa ina, lalo pa’t hindi madali ang pinagdadaanan nito ngayon.

Read Also: Ogie, Proud na Ipinasilip ang Mukha ng Kanyang Misis na Bagong Gising at Walang Make-Up
Silipin ang buong pangyayari dito:
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.
0 comments:
Post a Comment