Chad Kinis, Ginulantang ang Netizens sa Kanyang Napakagwapong Boyfriend na Isang Model

Isa si Chad Kinis sa mga pinakahinahangaang komedyante ngayon sa social media. Si Chad, o mas kilala bilang Richardson Dela Cruz sa totoong buhay, ay artist rin ng Viva Entertainment Inc. Maraming fans ang naaaliw sa mga vlogs nito sa kanyang Youtube channel, kung saan makikita ang kanyang mga projects at iba pang ganap sa kanyang career.

Ngunit bukod sa career, alam niyo bang pinagpala rin si Chad Kinis pagdating sa love life? Hindi lang sa kanyang career maswerte si Chad, dahil maswerte rin ito sa kanyang partner.

Kamakailan lang, talagang kinilig ang mga netizens matapos mag-post ang boyfriend ni Chad sa social media at kumpirmahin ang kanilang relasyon.

Read Also: Julia Barretto, Inulan ng Batikos Matapos Dedmahin ang Amang si Dennis Padilla sa Father’s Day

Talagang mapapa-sana all na lang tayo sa jowa reveal na ito. Matapos ang mahabang paghihintay ay kinumpirma na ng modelong si Nikko Alano Chua ang relasyon nila ni Chad. Sa Facebook, nagbahagi ng nakakakilig na appreciation post si Nikko para sa kanyang boyfriend.

“Babe, always remember that I am here for you no matter what happen. We will both hold each other’s hand as we go through our journey in life and cherish every laughter and moment that we’d be able to spend. There might be instances that we’ll fight but I will try my best to always understand you and make it more easier for us to be aight.”

Ayon pa kay Nikko, malaki ang pasasalamat niya sa pagmamahal at suportang ipinakita sa kanya ni Chad. Nangako rin ito na susuklian ng pagmamahal at katapatan ito. Dagdag pa ni Nikko, nais niyang magtagal pa ang kanilang relasyon.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang kinilig sa jowa reveal na ito. Maging mga fellow celebrities ni Chad at Nikko ay di mapigilang mapa-comment sa appreciation post ni Nikko. Nagbiro pa ang comedian na si Ogie Diaz ng ‘best wishes’ sa dalawa.

Read Also: Joel Cruz, Ibinunyag na Mahigit P52 Milyon ang Nagastos Niya Para Ma-Conceive ang Walong Anak!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment