Bea Alonzo, Inalala ang Panahong Walang-Wala Siya at Nangungutang Lamang kay John Lloyd

Isa si John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa mga pinakasikat na love teams sa Philippine showbiz industry. At kahit hindi man nauwi sa totohanan ang kanilang on-screen romance, hindi lingid sa kaalaman ng mga fans na matalik na magkaibigan si John Lloyd at Bea.

Sa katunayan, tinuturing ng Kapamilya aktres si John Lloyd bilang isa sa mga pinaka mapagkakatiwalaang kaibigan niya sa kanyang buhay.

Ayon kay Bea, sa ilang taon nilang pagkakaibigan ni John Lloyd ay talaga namang napalapit na ang loob niya dito. Maaasahan rin daw niya ang aktor sa oras ng kagipitan.

Read More: Netizen, Nagreklamo Matapos Madiskubreng Towel Pala ang Laman ng Chickenjoy Order Niya!

Sa kanyang nagdaang vlog noong May 2021, ibinahagi ni Bea ang pagiging life-saver ni John Lloyd. Nagbalik-tanaw ang Kapamilya star sa kanilang Dubai trip ilang taon na ang nakalilipas. Kasama ni Bea sina John Lloyd, Sarah G, Rachelle Ann Go, Erik Santos, at iba pa.

Ngunit habang nasa Dubai sila, hindi raw inaasahan ni Bea na agad mauubos ang kanyang budget. Noong mga panahong iyon, wala pa siyang credit card, kaya naman namroblema siya kung saan kukuha ng panggastos sa kanilang trip. Mabuti na lamang at kasama niya si John Lloyd.

“So sa buong five days or one week namin sa Dubai, wala kaming pera. As in sumasama lang kami kay John Lloyd para magpalibre ng meals, ganyan. Binayaran naman namin siya pagdating sa Manila, so that’s what happened,” natatawang sabi ng aktres.

Ayon pa kay Bea, laking pasasalamat niya dahil hindi nagdalawang-isip si John Lloyd na tulungan siya sa oras ng kagipitan. Talagang mapapahanga tayo sa frienship goals ng dalawang ito!

Read More: Jelai Andres, Napuno na! Nagsampa ng Patong-Patong na Kaso kay Jon at Yumi Garcia

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment