Bilang isang public personality, sanay na ang mga artista na makatanggap ng samu’t-saring komento mula sa mga tao. Ngunit may mga bashers na pati personal na buhay ng mga celebrities ay inuungkat. Kadalasan, mas pinipili ng iba na manahimik na lang. Ngunit may mga sitwasyon na dapat sagutin ito lalo na’t kung below-the-belt na ang patutsada sa kanila.
Kamakailan lang, naglabas ng saloobin ang former actress na si Nina Jose tungkol sa kanyang mga bashers sa social media.
Ayon sa dating sexy actress, lagi siyang nakakatanggap ng di magandang komento tungkol sa kanyang asawa na si Mayor Cesar Quiambao. Matatandaang November 17, 2017 nang ikasal si Nina at Mayor Quiambao.


Read More: Mariel Rodriguez, Ramdam ang Hirap ng Pagiging Ina Matapos Umalis ang Kanyang mga Kasambahay
“Age ain’t nothing but a number when it comes to love. Of course you have to be at the right age in making decisions but in general love is beyond age, color, and many other things. Love is a CHOICE when you accept a person for who he or she is and commit yourself to grow together,” pahayag ng aktres sa Instagram.
Si Nina ay 31 years old, samantalang 65 years old naman ang kanyang mister. Sa kabila ng kanilang halos dobleng age gap, masaya at kuntento ang dalawa sa kanilang pagsasama. Ngunit hindi maiwasan na makatanggap si Nina ng mga di magandang komento sa social media tungkol sa kanyang kasal.

Kaya naman sa post nito ay nagbigay siya ng mensahe sa mga bashers. Ayon sa dating “Pinoy Big Brother” housemate, hindi hadlang ang kanilang age gap sa kanilang pagmamahalan. Ayon pa kay Nina, masaya siya dahil sa mga blessings na natatanggap niya ngayon.
“So to all the haters, eat your hearts out and try to find, (haha if you can or if God will let you haha) someone who will love you this way. I guarantee you it is very rare! And I am blessed and happy because God has brought Cezar and I together, it is all a part of his plan,” dagdag pa ng aktres.


Ano ang masasbai mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment