Matandang Driver, Hindi Makapaniwala sa Ginawa ng Kapwa Motorista Matapos Mabangga ang Kotse Nito

Karamihan sa mga motorista, init ng ulo ang pinapairal tuwing nagkakaroon ng insidente sa daan. Dahil dito, di mapigilang lumaki ang gulo hanggang sa humantong pa ito sa road rage. Ngunit may mga drivers pa rin na mabuti ang puso at mas pinipiling maging kalmado sa pagre-resolba ng mga issue sa daan.

Kabilang na sa kanila ang netizen na si Francis Anthony Semana, na ibinahagi ang kanyang karanasan sa social media.

Noong June 15 ay nag-parking si Francis sa harapan ng isang bangko nang mabangga ng isang jeep ang kanyang kotse. Ganito raw ang mga sumunod na pangyayari.

Read Also: Julia Barretto, Inulan ng Batikos Matapos Dedmahin ang Amang si Dennis Padilla sa Father’s Day

Ayon kay Francis, isang jeepney ang nag-park sa likod ng kanyang sasakyan. Saglit na bumaba ang jeepney driver upang magwithdraw sa malapit na bangko.

Ngunit sa pagmamadali nito ay hindi niya namalayan na wala palang handbreak, na nagresulta sa pagbangga ng jeep nito sa nakaparadang kotse ni Francis.

Agad namang nilapitan ni Francis ang driver upang ipaalam dito na nabangga ng jeep nito ang kotse niya. Nakasalubong niya ang matandang driver sa ATM, at ipinaalam niya agad dito ang pangyayari. Napansin naman daw ni Francis na labis rin ang pangamba ng matandang lalaki matapos malaman ang nangyari.

Ngunit imbes na magalit, mas pinili ni Francis na maging kalmado. Kinausap niya nang maayos ang lalaki at tinanong pa kung saan ito nakatira. Matapos iyon, sinabihan niya ito na wag mangamba dahil wala namang nasaktan sa kanilang dalawa. Iniiwasan rin daw niyang ma-high blood ito.

“Hinagod ko ang likod niya. maliit lang yan manong. Pag nahighblood kayo. Mas malaki ang gastos. Hayaan niyo na. Wala naman nangyare sakin. Buhay tayo parehas. Ingat na lang po kayo sa byahe,” pahayag ni Francis sa kanyang viral Facebook post.

Read Also: Joel Cruz, Ibinunyag na Mahigit P52 Milyon ang Nagastos Niya Para Ma-Conceive ang Walong Anak!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment