Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na adopted daughter ni Judy Anne Santos ang kanyang panganay na si Yohan. Sanggol pa lamang noong si Yohan nang ampunin ito ng aktres, at magmula noon ay minahal na niya si Yohan na parang tunay niyang anak. Ngayong malaki na ito, hindi mapigilang magtanong ni Yohan tungkol sa kanyang pagkatao.
Sa isang interview, ibinahagi ni Juday na maraming tanong si Yohan tungkol sa kanyang pagkabata. Isang beses raw ay nakita niyang nag-search ito sa Google ng pangalan niya, upang malaman kung totoo nga bang ampon siya ni Juday at ng asawa nitong si Ryan Agoncillo.


Read More: Private Conversation ni Rob Moya at Lai Austria, Kumalat Online Matapos Ma-Hack ang Account Nito
“There was a time that I saw in my iPad, nag-history ako. Nawala sa isip ko na nasa kanya iPad ko. Pagtingin ko sa history, she actually googled her name. So, lumabas dun siyempre lahat—Yohan Agoncillo adopted, Yohan Agoncillo singing, Yohan Agoncillo—like, everything about her,” pahayag ni Juday.
Alam nila ni Ryan na talagang darating ang araw na kailangan nilang ipaalam ang totoong katauhan ni Yohan. Gayunpaman, ipinaliwanag ng aktres na hindi dapat masaktan o mahiya si Yohan tungkol sa kanyang pagiging adopted, dahil labis labis ang pagmamahal sa kanya ng kanyang kinalakihang nanay.


Dagdag pa ng aktres, ipinagdasal niya ang pagdating ni Yohan, kaya naman kahit hindi niya ito tunay na anak ay malapit ito sa puso niya. Naintindihan naman daw ito ni Yohan, at mas lalo rin siyang napalapit sa kanyang mommy at daddy matapos masagot ang mga katanungan tungkol sa kanyang pagkatao.
“You have an inspiring story. Dati kasi ano siya, e, sumasama loob niya, naba-bother siya. Nalulungkot siya kaya sinasabi ko sa kanya, ‘Sweetheart, it was my choice. I know naman at some point, I could still have a child. It’s just that I so wanted to have a child, and I prayed. I prayed for years to have a baby girl. I’m very specific with my prayers.”

Read More: “It’s very obvious”- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment