Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Pau Fajardo, na ex-girlfriend ng Ginebra San Miguel point guard na si Scottie Thompson. Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang San Miguel Player matapos ikasal ito sa isang flight attendant. Matatandaang noong April lamang ng magpropose si Scottie sa kanyang ex na si Pau.
Sa kanyang official statement sa Instagram, aminado si Pau na masakit sa kanya ang pangyayari. Walong taon ring nagtagal ang kanilang pagsasama, ngunit sa huli ay di rin sila nagkatuluyan matapos ikasal si Scottie sa iba. Ayon kay Pau, labis siyang nasaktan ngunit nais na rin niyang mag-move on.

Read More: Mariel Rodriguez, Ramdam ang Hirap ng Pagiging Ina Matapos Umalis ang Kanyang mga Kasambahay
“That said, I am deeply hurt. I ended a long-term relationship with the man I was ready to spend the rest of my life with. To say it has been heartbreaking is an understatement. But I am now making the conscious decision to move forward with my life,” pahayag nito.
Nilinaw rin ni Pau na ito ang una at huling beses niyang magsasalita tungkol sa isyung ito. Nais niyang malutas ang personal na problemang ito nang hindi na nagpo-post sa social media. Sa kabila ng lahat, nagpasalamat siya sa mga taong nagpahayag ng suporta sa kanya sa social media.

“I may never get to thank you personally but know that your support means a lot to me. But right now, I would like to ask everyone- if you genuinely care for me- to please refrain from doing things that would further inflame the situation. I hope you will respect my simple request.”
Nitong nakaraang linggo lamang ay ikinasal si Scottie sa isang flight attendant na si Jinky Serrano. Agad nag-react ang mga netizens sa balitang ito, lalo pa’t noong April lamang nang magpropose si Scottie kay Pau. Ngunit hindi nagtagal ay naghiwalay ang dalawa.

Ano ang masasbai mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment