Labis labis ang pasasalamat ng beteranang aktres na si Sunshine Cruz dahil sa maayos na pagsasama ng kanyang mga anak at ang step-brother nila. Mayroong tatlong anak si Sunshine sa kanyang dating asawa na si Cesar Montano. Sila ay sina Angelina, 19, Sam, 15, at Chesca, 14. Malalapit rin ang mga dalaga sa kanilang kapatid na si Diego Loyzaga.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang tatay ni Diego ay si Cesar rin. Ito ang panganay ng dating action star sa kanyang ex-partner na si Teresa Loyzaga. At kahit pa hindi na nag-uusap si Cesar at ang mga anak nito kay Sunshine, nananatili namang malapit si Diego sa kanyang mga stepsisters.


Read More: John Lloyd Cruz, Kapuso na? Magiging Leading Man ni Andrea Torres sa Bagong Sitcom!
Sa katunayan, lagi nitong dinadalaw ang kanyang mga kapatid tuwing wala itong trabaho. Ayon kay Sunshine, nagpapasalamat siya dahil caring at responsible na kuya si Diego. Lagi rin daw nitong kinakamusta ang kanyang mga kapatid at dinadalaw sila sa kanilang bahay sa Paranaque City.
Kamakailan lang, nagbahagi si Sunshine ng larawan ng magkakapatid, kung saan makikitang nagse-celebrate sila ng birthday ng kanilang pet dog. Sa caption, pinasalamatan rin ni Sunshine si Diego dahil sa muling pagbisita nito sa kanyang mga kapatid.


Sa kanyang nakaraang interview, ibinahagi rin ni Sunshine na halos araw araw ay bumibisita si Diego sa kanilang bahay. Ngunit hindi daw sila laging nagpo-post ng larawan dahil nirerespeto rin niya ang request ng mga ito na gawing private na lamang ang kanilang bonding time.
“He visits my kids. May time na almost every day, nandoon siya sa house with my children. But of course, I respect their privacy. Ayaw nilang ilabas yung photos, yung bonding ng mga kids. Natuwa nga ako, meron siyang kasama, si Tong. Napakabait na bata. Mahal na mahal ng mga anak ko si Diego.”

Read More: “It’s very obvious”- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment