Yumaong Ama, Ginulat ang Pamilya Niya sa Tinatago sa Kanyang Iniingat-Ingatang Bag!

Talagang hindi mapapantayan ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanilang anak. Kaya naman kahit mahirap ang buhay, tuloy pa rin ang pagkayod nila para lamang masustentuhan ang kanilang pangangailangan. At maging hanggang sa kanilang huling paghinga, iniisip pa rin nila ang kapakanan ng kanilang pamilya.

Kamakailan lang, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang nakakaiyak na kwento. Ang karanasan ni Dy Dela Paz ang nagpapatunay na hanggang sa kanilang huling hininga, iniisip pa rin ng mga magulang ang kanilang maiiwang pamilya. Noong nakaraang linggo lamang ay pumanaw na ang kanilang padre de pamilya.

Read More: 13-Anyos na Bata, Napilitang Magpakasal sa 48-Anyos na Lalaki Bilang Panlimang Asawa Nito

Ayon kay Dy, noong una ay labis silang namomroblema sa perang pampalibing ng kanilang ama. Ngunit habang naghahagilap sila ng pera, saka nila napansin ang bag na tinatago-tago ng kanyang ama. Ayon dito, habang nabubuhay pa ang kanyang ama ay lagi nitong iniingatan ang bag na ito.

“Grabe ang bigla namin pare pareho ng nakita namin ang inipon mong pera tay. Kaya pala lagi mo sinasabi kay nanay na wag ng mag withdraw sa banko dahil may pera kang tinatago. Sabi mo kay nanay hanapin mo ang wallet ko alam ko may tinago akong pera. Hindi namin alam na ganun kalaki ipon mo tay.”

Noong nabubuhay pa daw ang kanyang ama, lagi nitong bitbit ang kanyang bag saan man siya magpunta. Ngunit hindi nila inakala na limpak limpak na salapi pala ang laman nito! Ayon kay Dy, humigit kumulang P205,000 ang laman ng bag ng kanyang ama.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya nila Dy. Hindi rin nila mapigilang humanga sa pagiging masinop ng kanilang ama, kaya naman hanggang sa pagyao nito ay sinigurado niyang magiging maayos ang buhay ng kanyang pamilya.

Read More: Sexy Star Sunshine Guimary, Nahuli sa Akto ang Ex-Boyfriend na May Kasamang Ibang Babae!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment