Maraming nagva-viral na love story sa social media. Talaga nga namang nai-inspire ang mga netizens tuwing natutunghayan nila ang nakakakilig na love story ng mga binansagang ‘couple goals’ sa social media. Isa na sa kanila ang lalaking ito, ngunit agad ring nabuking ng mga netizens ang tinatagong sikreto niya!
Kamakailan lang ay nag-viral sa Facebook si Alexander Co Dela Cruz Jr. matapos niyang ibahagi ang nakakakilig na love story nila ng kanyang asawa.
Ayon kay Alexander, bago sila ikinasal ng kanyang misis ay mayroon muna siyang naging girlfriend for 11 years. Gayunpaman, hindi daw talaga sa tagal ng relasyon masusukat ang pagmamahal.


Kahit pa galing siya sa isang long-term relationship, ramdam niya ang kasiyahan ngayong ikinasal na siya sa tamang tao para sa kanya. Dagdag pa ni Alexander, nagkaroon siya ng peace of mind sa misis niya ngayon, kumpara sa kanyang dating girlfriend. Maraming netizens ang kinilig sa kanyang post, at agad itong nag-viral online.
Ngunit hindi nila inaasahan na mayroon palang untold side sa kwento na ito! Matapos mag-viral ay nakarating rin ito sa mga kaibigan ng kanyang ex-girlfriend. Siya na mismo ang nagsiwalat ng katotohanan, at kung paano niloko ni Alexander ang kanyang dating girlfriend upang mapakasalan ang misis niya ngayon.

“Joker na naman! Kaibigan ko po girlfriend niya for 11 years and grabe po talagang sakit ang binigay niya. Ilang beses ding nagcheat yan at pinagbigyan. Di na niya kaya pagsabayin yung kaibigan ko at si ate mo gurl. Iniwan niya yung 11 years, ayun mas may peace of mind na siya diba,” ito ang nakakagulat na rebelasyon ng kaibigan.
Hindi inaasahan ng mga netizens na ito pala ang totoong nangyari. Sa kabila ng mala-romcom na love story nila ng misis niya, may nasaktan silang isang tao. Agad namang dinelete ni Alexander ang kanyang viral post matapos mabuking ang kanyang sikreto.


Read More: Donnalyn, Nagbabalang Kakasuhan ang Netizen na Nagpakalat ng Malisyosong Fake News Tungkol sa Kanya
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment