Uber Driver, Hindi Inaasahan na Ganito ang Mangyayari sa Byahe Matapos Maisakay ang Lasing na Babae

Bilang taxi o Grab driver, wala na siguro ang mas nakakainis pa ang magsakay ng pasaherong lasing. Kapag lasing ay pasahero ay mao-obliga ka pang maglinis kung magsusuka ito sa loob ng sasakyan. Bukod pa diyan, karamihan sa mga lasing na pasahero ay nakakalimutan o pahirapan singilin sa bayad.

Ngunit isang Uber driver ang nagkaroon ng di malilimutang karanasan sa lasing na pasahero niya! Noong una, inakala ng Uber driver na ito na mahihirapan siyang ihatid ang isang babaeng pasahero na napick-up niya sa bar. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang biyahe ay bigla na lang daw itong nagkwento.

Read More: Rommel Padilla, Emosyonal na Ibinahagi na Malaki ang Utang na Loob Niya sa Anak na si Daniel Padilla

“She asked me if I had ever thought about dying, to which I replied- yeah, I guess so. That’s when she told me that she had cancer. It was in her brain and it was too far gone to consider chemo. I remember my heat just pounding,” pahayag ng Uber driver, na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Dagdag pa ng babae, kaya daw siya nalasing noong gabing iyon ay dahil nagpa-party ang kanyang mga ka-opisina. Nag-resign na daw siya at sinabing nakatanggap siya ng offer abroad, dahil ayaw niyang malaman nila ang totoo tungkol sa kanyang karamdaman.

“She told me she doesn’t feel good but she was going to be ok. She told me she was celebrating with her work friends who threw her a going-away party. She told them she was taking a position abroad. Just didn’t tell them abroad was heaven,” pahayag ng Uber driver.

Ayon pa dito, matapos ang kanilan pag-uusap ay hindi napigilang maging emosyonal ng Uber driver. Sa lahat ng kanyang naging pasahero ay dito lamang siya labis na naapektuhan, lalo pa’t hindi niya mapigilang malungkot sa kalagayan ng babae.

Read Also: Catriona Gray, May Tips sa Kalookalike na si Olivia Rodrigo Kung Sasabak ito sa Pageant

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment