Joel Cruz, Ibinunyag na Mahigit P52 Milyon ang Nagastos Niya Para Ma-Conceive ang Walong Anak!

Karamihan sa atin ay naniniwala na ang ating mga anak ang nagbibigay ng saysay sa ating buhay. Kaya naman marami ang nais na magkaroon ng anak na kanilang mamahalin at aalagaan. Kahit pa mahirap ang kanilang pagdadaanan ay handa silang harapin ito para lamang bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Isa na sa kanila ay ang “King of Scents” ng Pilipinas na si Joel Cruz. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na dati pa man ay nais na ng successful entrepreneur na magsimula ng kanyang sariling pamilya.

At noong 2012, ginulat ni Joel ang publiko matapos ipakilala ang kanyang kambal na sina Prince Harry at Prince Synne.

Read More: Rommel Padilla, Emosyonal na Ibinahagi na Malaki ang Utang na Loob Niya sa Anak na si Daniel Padilla

Ang kanyang twin babies ay bunga ng surrogacy sa Russia. Hindi nagtagal ay nadagdagan pa ng nadagdagan ang mga anak ni Joel Cruz, hanggang sa lumaki ng lumaki ang kanilang pamilya. Sa ngayon ay walo na ang kanyang anak, tatlong set ng kambal at dalawang solo lamang ipinanganak.

Sa kanyang interview kay Ogie Diaz, ibinahagi ni Joel Cruz ang kanyang pinagdaanan para lamang magkaanak.

Dati pa man daw ay nais na nitong magkapamilya, ngunit hindi katulad ni Ogie, hindi niya kayang sumiping sa babae kaya naman pinili na lang ni Joel ang in-vitro fertilization.

Hindi rin madali at mabilis ang proseso na ito. At dahil sa ibang bansa ginanap ang karamihan sa IVF procedures ay milyon-milyon din ang ginastos ni Joel.

Sa katunayan, maging si Ogie Diaz ay nagulat nang ibunyag ni Joel na mahigit P52 milyon ang nagastos niya para ma-conceive ang kanyang walong anak!

Sa unang kambal ay P12 milyon ang kanyang ginastos. Sa pangalawa at pangatlong kambal naman at tig P11 milyon. Tig P9 million naman ang kanyang ginastos sa kanyang dalawang solong anak. Sa kabila ng lahat, worth it naman daw ang gastos dahil sa saya na nararamdaman niya tuwing nakakapiling sila.

Read Also: Catriona Gray, May Tips sa Kalookalike na si Olivia Rodrigo Kung Sasabak ito sa Pageant

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment