Jean Garcia, Hindi na Nakatiis! Kinompronta si Alwyn at Sinabing Bastos Ito sa Social Media

Nitong nakaraang buwan, naging usap-usapan sa social media ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco. Ayon sa dating aktres, matapos ang ilang taong pagsasama ay maghihiwalay na sila at pansamantalang mananatili kay Jennica ang dalawa nilang anak. Hindi naman nilinaw ni Jennica ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sa Instagram, maraming netizens ang napaisip nang magtanong si Jennica kung paano maibabalik ang kanyang maiden name sa kanyang social media account.

Noong mga panahong iyon, ibinunyag niya rin na hindi na sila nagsasama sa iisang bubong ni Alwyn. Kasalukuyang nakatira sa isang one-bedroom unit si Jennica kasama ang kanyang dalawang anak.

Read More: Nina Jose, May Mensahe sa mga Bashers na Pinupuna ang Relasyon Niya sa 65-Anyos na Asawang si Mayor Quiambao

Dahil dito, umugong ang bali-balita kung may kinalaman nga ba sa pinansyal na problema ang naging mitsa ng kanilang hiwalayan.

Nilinaw naman ni Jennica na isang good provider at mabuting ama si Alwyn sa kanilang mga anak. Ngunit muli na namang naintriga ang mga netizens matapos magsalita ang nanay ni Jean na si Jennica.

Ayon sa beteranang aktres, pakiramdam niya ay nabastos siya ng kanyang manugang na si Alwyn. Sinubukan raw ni Jean na mag-reach out dito upang mapag-usapan nila ang problema nila ni Jennica, ngunit tila hindi pinapansin ni Alwyn ang kanyang mga mensahe. Dahil dito, napilitan si Jean na mag-comment sa public profile ni Alwyn.

“Kawawa kase ikaw di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo. Just saying! Ngayon naiisip mo mga anak mo? Tama naman yan pero yung heartaches ni Jennica sayo? Ok ba? Tanong lang Alwyn!”

Bukod dito, nagbahagi rin si Jean ng post tungkol sa pagiging tapat at loyal sa iyong partner. Dahil dito, marami ang napaisip kung mayroon nga bang involved na third party sa hiwalayan ng dalawa. Sa ngayon ay hindi pa sinasagot ni Alwyn ang mga mensaheng ito.

Read More: Donnalyn, Nagbabalang Kakasuhan ang Netizen na Nagpakalat ng Malisyosong Fake News Tungkol sa Kanya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment