"Lots of hardwork and discipline"- Pauleen Luna, Proud na Ipinasilip ang Kanyang Bagong Transformation

Talagang malaki ang nagiging pagbabago ng katawan ng isang babae matapos manganak. Bukod sa post-partum recovery, marami rin ang nais na maibalik agad sa dati ang kanilang pre-pregnancy body. Isa na sa kanila ang celebrity mom na si Pauleen Luna, na kamakailan lang ay nagbahagi ng routine niya.

Taong 2017 nang isilang ng “Eat Bulaga” host si Baby Tali, ang unica hija nila ni Vic Sotto. Simula nang manganak siya, aminado si Pauleen na maraming nagbago sa kanyang katawan. Kaya naman pursigido ito na ibalik ang kanyang fit physique.

Read More: Julia, Sumama ang Loob at Dinelete ang Vlog Kasama ang Amang si Dennis Padilla

Isang taon matapos siyang manganak, nagkaroon si Pauleen ng exercise routine at strict diet. Aminado ang 32-anyos na celebrity mom na hindi ito madali, lalo pa’t hands-on mommy siya kay Baby Tali at hectic ang kanyang schedule sa showbiz.

Gayunpaman, sinisikap ni Pauleen na mag-work out sa kanilang tahanan. Kamakailan lang, ibinahagi ni Pauleen na unti-unti na niyang na-a-achieve ang kanyang body goals! Proud na nagpost ito ng kanyang selfie, kung saan makikita ang kanyang toned figure.

“Hello self! Good to see you again. Back to my pre baby body after three years. I only started to take this fitness journey seriously last February 2021, but boy am I glad I did,” pahayag ni Pauleen sa kanyang mga followers sa IG.

Bukod pa dito, ipinaliwanag rin ng celebrity mom na hindi naging madali ang kanyang journey. Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa tulong at suporta ng mga tao sa paligid niya. Sila raw ang nagpapalakas ng loob niya upang makamit ang kanyang goal.

“Lots of hard work and discipline, but I’m happy that I was able to get back on track even if it took a long time. Special thanks to the people who push me to be a better version of myself. Shoutout to my electric studio cycling community for the undying support and pushing me to the extremes.”

Read More: Ex-Crew ng Jollibee, Ipinaliwanag ang ‘Foul Play’ na Nangyari sa Viral Jollitowel

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment