Taong 2021 na, ngunit mukhang hindi pa rin nauubos ang kontrobersyang kinasasangkutan ni Xander Ford. Ang dating Hasht5 member na marahil ang maituturing na isa sa mga pinakasensational na social media influencers ngayon. Ngunit imbes na mabuti, kadalasan ay sa negatibong isyu nasasangkot si Xander.
Kamakailan lang, muli na namang pinutakte ng komento si Xander Ford sa social media. Sa pagkakataong ito, umani siya ng batikos mula sa mga K-pop lovers. Kaugnay ito sa insidente nang ikumpara ni Xander ang kanyang itsura kay Jimin, na isa sa mga sikat na miyembro ng boyband group sa Korea na BTS.

Read More: Mariel Rodriguez, Ramdam ang Hirap ng Pagiging Ina Matapos Umalis ang Kanyang mga Kasambahay
Nagsimula ang lahat nang magbahagi si Xander ng kanyang video sa Facebook na may title na ‘Pambansang Oppa Park Jimin PH.’ Sa title pa lang ay marami ng K-pop fans ang na-triggered. Hindi pa nakuntento dito si Xander, at talagang nagawa niya pang ikumpara ang kanyang sarili sa BTS member.
Sa kanyang video ay makikitang kumpleto ang get up ni Xander, at nagpo-pose pa ito na tila ba nasa pictorial. Ayon pa sa kontrobersyal na influencer, siya na marahil ang maituturing na ‘Pambansang Oppa’ sa Pinas, bagay na hindi naman sinang-ayunan ng mga fans.


Silipin ang komento ng mga netizens tungkol dito:
“Ang BTS tumutulong sa iba at hindi lang puro papogi. Ikaw feeling pogi na, wala ka pang ambag! Kaya wala kang karapatan ikumpara sarili mo sa kanila.”
“Jusko Xander ang dami mong paandar lagi. Please stop dragging BTS name into your antics! Panigurado dudumugin ka ng mga ARMY dahil sa post mo.”
“Don’t give him any attention. Wala na ata masyado fans si Xander ngayon kaya nakikisawsaw na sa ibang fandom.”
“Lakas mo din, Jimin pa ang nais. Try harder next time Xander. Please lang pa-unfollow na para matauhan tong si Marlou.”

Panoorin ang buong video niya dito:
Ano ang masasbai mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment