Nanay, Nagbabala sa Nakakatakot na Nangyari sa Kanyang Kapatid na Nalulong sa Gadgets!

Karamihan sa atin ay palaging nakatutok sa ating mga smartphones. Mula paggising hanggang sa pagtulog, ito ang unang-unang hinahanap natin sa umaga. Mahilig ka rin bang magpuyat habang tumitingin sa iyong cellphone? Kung oo, paniguradong ititigil mo na ang habit mo pag nalaman mo ang nangyari sa netizeng ito!

Kamakailan lang, ibinahagi ng netizen na si Gaye Quiambao ang kanyang karanasan na talaga namang nagpamulat sa mga tao sa social media.

Ayon kay Gaye, dahil sa labis na paggamit ng gadgets ay nakaranas ng kakaibang karamdaman ang kanyang kapatid na binata na si Wesley.

Read Also: Julia Barretto, Inulan ng Batikos Matapos Dedmahin ang Amang si Dennis Padilla sa Father’s Day

Ayon sa kanyang viral post sa Facebook, isang araw ay nag-alala na lamang sila nang biglang matumba si Wesley sa sahig. Noong mga panahong iyon ay nagkaroon na pala ito ng seizure. Agad nilang dinala ito sa ospital upang malaman kung ano ang sanhi ng seizures ng binata.

“Last June 12, 2021 Saturday, at around 9:00 am, nag SEIZURE po si Wesley, sobrang tindi, He was seen by our mother sa sahig facedown and hard shaking. Nag sisigaw ang mama ko to wake up my brother, at the point kasi nasa palengke kami ng daddy nya at ni An.” pahayag ni Gaye.

Sa ospital ay sumailalim rin si Wesley sa iba’t-ibang tests upang malaman ang totoong karamdaman nito. Nagkaroon rin siya ng motor and sensory function exam, kung saan inassess ang kanyang kakayahang gumalaw. Hinala naman ni Gaye, ito ay sanhi ng labis na paggamit ni Wesley ng kanyang mobile phone at laptop.

Pinayuhan rin niya ang ibang netizens na maging maingat sa paggamit ng kanilang gadgets. Dagdag pa nito, iwasan ang pagpupuyat habang nagse-cellphone dahil maaaring makasama ito sa iyong kalusugan.

Laking pasasalamat naman nila dahil walang masamang nangyari sa kanilang kapatid at kasalukuyang nagpapagaling na ito.

Read Also: Joel Cruz, Ibinunyag na Mahigit P52 Milyon ang Nagastos Niya Para Ma-Conceive ang Walong Anak!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment