Para sa karamihan ng babae, normal lamang na mayroon silang access sa cellphone ng kanilang nobyo. Sa ganitong paraan, nagkakaroon sila ng peace of mind na walang sikretong tinatago ang kanilang boyfriend mula sa kanila. Ngunit ayon naman sa aktres na si Ellen Adarna, hindi niya naging habit na mag-check ng cellphone ng kanyang mga naging boyfriend.
Kamakailan lang ay tinanong si Ellen kung binubuksan ba niya ang cellphone ng current boyfriend niya na si Derek Ramsay. Prangka namang sinagot ni Ellen ang tanong na ito, at nilinaw niya na hindi niya pa nasubukang mangialam ng cellphone ng kanyang boyfriend. Ayon sa 33-anyos na aktres, ‘praning’ lamang ang gumagawa ng ganito.

Dagdag pa ng aktres, mga babaeng ‘pangit’ at ‘insecure’ lamang ang gagawa ng ganitong bagay. Sa kanyang mga nagdaang relasyon, aminado si Ellen na hindi niya pa ito napagdaanan. Ngunit kung sakaling magloloko naman si Derek, hindi daw magdadalawang-isip si Ellen na iwan siya.
“I never check his phone. I’m not an ugly, pyscho b**ch. Yung mga ganyan, para sa mga pangit lang iyan, mga insecure at praning. Hindi ko napagdaanan iyan. Never! Gwapa ko dzai, pero kung mag-binuang siya, goodbye!”
Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon sa social media. May mga netizens na agree kay Ellen, at naniniwalang mahalaga pa rin ang privacy kahit pa mag-nobyo na kayo. Ngunit karamihan naman ay hindi agree sa opinyon niya.

Silipin ang mga komento ng mga netizens tungkol dito:
“Her attitude is kinda narcissistic, no offence. There’s no reason to put down other women for checking their husband’s phone, it’s insensitive and arrogant.”
“Weve been betrayed by the one we love before we experienced and the trauma na mangyari ulit thats the reason that we are doing it to calm our mind.”
“Hindi tayo si Ellen na makaka move on at makahanap agad ng kapalit, marami tayong obligation sa buhay anak or ibang bagay, wag tayo paapekto sa advice na hindi para saatin.”

Read More: Batang Babae na Di Umano’y Pinaglihi sa Barbie, Hinangaan Dahil sa Kakaibang Itsura Nito!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment