Nadine Lustre, May Haharaping Kondisyones Matapos Matalo sa Kaso Laban sa VIVA

Matapos ang ilang buwan ay nagkaroon na rin ng bunga ang kaso ng VIVA Artist Management laban sa aktres na si Nadine Lustre. Matatandaang taong 2020 nang magsampa ng kaso ang management sa di umano’y paglabag ni Nadine sa kontrata nito matapos itong umalis sa Viva at tumanggap ng ibang proyekto.

Ayon sa VIVA, pumirma si Nadine ng 10-year contract sa kanilang management. Sa kabila nito, nagsimula daw i-manage ng aktres ang kanyang sarili at tumanggap di umano ito ng mga proyekto ng walang approval ng VIVA. Sa nakaraang court order, VIVA ang pinanigan ng korte at sinabing binding ang contract nito.

Read More: “Iyak ako ng iyak”- Ai-Ai delas Alas, Ibinuking na Pinagtiisan Niyang Maging Kabit sa Loob ng Pitong Taon

“Petitioner (Viva) has established its unequivocal right arising from the subject Revised Agency and Management Agreement. It has established that respondent (Lustre) contracted with them to act as sole and exclusive manager for respondent’s exercise of profession in the show business.”

Dahil dito, hindi na maaaring sumabak si Nadine sa mga proyekto at endorsements ng walang approval ng VIVA.

Ngunit sa kabila nito, mayroon pa ring ‘silver lining’ ang desisyon ng korte. Ayon sa ruling nito ay hindi maaaring maningil ang VIVA ng parte sa kita ni Nadine mula sa mga endorsements nito habang siya ay independently-managed.

Sa kabilang banda, sa kanyang recent interview ay ibinahagi naman ni Nadine na confident siya sa kanyang legal team. Ayon sa aktres, ipapaubaya na lamang niya ang kakahinatnan ng kaso sa kanyang lawyer nasi Attorney Lorna Kapunan.

“Well, Tito Boy, I trust naman, you know, that Attorney Lorna can help me out on this, and I’m just leaving it up to them,” pahayag ni Nadine sa kanyang interview kay Boy Abunda.

Read More: Batang Babae na Di Umano’y Pinaglihi sa Barbie, Hinangaan Dahil sa Kakaibang Itsura Nito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment