Walang kasiguraduhan ang career sa industriya ng showbiz. Kung ngayon ay nasa ibabaw ka, maaaring matagpuan mo ang iyong sarili sa ibaba sa isang kisapmata. Kahit pa isa kang sikat na artista ngayon, maaari ka pa ring maging laos sa paglipas ng panahon. Kaya naman maraming beteranong artista dati ang naghihikahos na rin ngayon.
Isa na sa kanila ay ang beteranang aktres na si Deborah Sun. Naaalala niyo pa ba ang napakahusay na artistang ito?
Dahil sa kanyang galing sa pag-arte, talagang tumatak sa puso ng mga fans si Deborah. Kaya naman bumida rin siya sa iba’t-ibang pelikula at programa noong kasagsagan ng kanyang career.

Read More: Xander Ford, Umani ng Batikos Matapos Tawagin ang Sarili na ‘BTS Jimin’ ng Pinas!
Ngunit habang nagkaka-edad siya, aminado ang dating aktres na nahihirapan na rin siya sa kanyang buhay. Wala na rin siyang projects ngayon, kung kaya naman wala siyang ibang paraan upang kumita. Kaya sa kanyang interview sa showbiz insider na si Aster Amoyo, nanawagan si Deborah sa kanyang mga kapwa artista.
Hindi mapigilang maging emosyonal nito habang inaalala ang kanyang pinagdaanan sa mga nakalipas na buwan. Ayon kay Deborah, sana ay may magmagandang loob sa kanya na mag offer ng projects upang magkaroon siya ng pagkakakitaan lalo pa’t nasa kalagitnaan tayo ng pandemic.

Sa kanyang interview, hindi rin nakalimutan ni Deborah na pasalamat ang kanyang kaibigan na si Ara Mina. Ayon sa beteranang aktres, hindi nagdalawang isip si Ara na tulungan siya. Sa katunayan, sa ngayon ay nakikitira si Deborah at ang kanyang mga anak sa condo unit ni Ara Mina.
“Naaawa lang ako pati sa family niya. Kasi di na din siya nabibigyan ng project kaya hirap na hirap siya sa buhay ngayon. Kung kaya ko lang tulungan lahat at kung sobrang yaman ko binigyan ko na sila ng pangkabuhayan,” ito ang pahayag ni Ara tungkol kay Deborah sa kanyang nakaraang interview.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment