Naging usap-usapan sa social media ang pagkalat ng private conversation ni Rob Moya at ng rumored girlfriend Lai Austria. Si Rob ang ex-boyfriend ng sikat na vlogger na si Toni Fowler. Nakumpirma sa usapan ni Rob at Lai na pinagpa-planuhan nila ang kanilang next move sakali mang magsampa ng kaso si Toni laban kay Rob.
Matatandaang January nang ibahagi ni Toni na hiwalay na sila ni Rob. Ayon sa vlogger, sinimot rin ni Rob ang laman ng savings account ng kanyang anak na si Tyronia. Noong mga oras na iyon ay nali-link na rin si Rob kay Lai, na isang model sa social media.


Read More: “It’s very obvious”- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!
Sa kanilang kumalat sa conversation, napag-usapan rin ni Rob at Lai ang nangyaring meet and greet ni Toni at ng kapatid nito noong nakaraang linggo.
Matatandaang nasita ng mga barangay officials ang magkapatid matapos dagsain ng mga fans ang kanilang meet and greet. Ayon pa kay Rob, ‘karma’ raw ang nangyaring ito kila Toni.
Pinag-usapan rin nila ang kanilang strategy sakali mang ituloy ni Toni ang kaso laban kay Rob. Dumating pa sa punto na ibinigay mismo ni Rob ang address ni Toni at ng anak nito kay Lai. Sa kanilang mga usapan, mababakas na hanggang ngayon ay puno pa rin ng pagkamuhi si Rob sa kanyang ex-girlfriend.


Dagdag pa nito, nag-konsulta rin si Rob sa isang judge upang malaman kung maaari ba siyang makasuhan dahil sa kotse ni Toni. Pinayuhan daw siya nito na mag move on na lang mula sa isyu, ngunit hindi raw siya makakasuhan dahil sa kanya mismo nakapangalan ang kotse.
Agad namang nag-trending ang kanilang usapan sa social media. Maraming netizens ang hindi mapigilang mainis sa mga bagay na sinabi ni Rob tungkol kay Toni, na ilang taon niya ring naging girlfriend. Hindi nagpakilala ang taong nang-hack ng account ni Rob, ngunit ayon dito ay marami pa siyang screenshots na ilalabas sa social media.

Read More: 13-Anyos na Bata, Napilitang Magpakasal sa 48-Anyos na Lalaki Bilang Panlimang Asawa Nito
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na video, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment