Rommel Padilla, Emosyonal na Ibinahagi na Malaki ang Utang na Loob Niya sa Anak na si Daniel Padilla

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang pagkabata ng Kapamilya matinee idol na si Daniel Padilla. Lumaki ito sa poder ng kanyang ina na si Karla Estrada, na siyang nagtaguyod sa kanilang magkakapatid. Noong mga panahong iyon ay mag-isa lamang si Karla sa buhay dahil nakulong ang tatay ni Daniel na si Rommel Padilla.

Sa kanyang nakaraang interview sa “Magandang Buhay,” ibinahagi ni Rommel ang kanyang masalimuot na karanasan sa loob ng Bilibid prison mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas. Ayon dito, talagang nalugmok siya sa kalungkutan matapos makulong at malayo sa kanyang pamilya.

Read More: Nadine Lustre, May Haharaping Kondisyones Matapos Matalo sa Kaso Laban sa VIVA

Sa kabila ng lahat, ginawang inspirasyon ni Rommel ang kanyang pamilya habang nasa loob siya ng kulungan. Inalala rin niya ang isang pagkakataon na binisita siya ni Daniel, at labis daw ang tuwa niya matapos masilayan ang anak na matagal niya ring hindi nakita at nakasama.

“Yung mga time na talagang ako ay nasa dilim. Ligaw na ligaw ako ng mga panahon na iyan, kaya nga ako nasa kulungan. Namali ‘yung napuntahan kong lugat. Until isang gabi, hindi na visiting hours, may dumating na anghel. Kung sino pa ‘yung taong hindi mo inaasahan na dadating. ‘Yung pumasok sa akin na gaano kalaki ang utangko sa taong ito, sa batang ito.”

At kahit pa hiwalay na sila ni Karla, laking pasasalamat niya daw dito dahil hindi nito inilayo ang kanilang mga anak sa kanya. Sa katunayan, si Karla pa ang naging tulay upang maging mas malapit si Rommel sa kanyang mga anak, lalong-lalo na kay Daniel. Dahil dito ay mataas rin daw ang respeto at paghanga niya sa dating partner.

“Dahil sa iyo, nagampanan ko yung obligasyon ko kay DJ. Siguro kung hindi ka naging ganung nanay, malamang napabayaan ko. Hindi ko siguro natutukan or hindi ko nakita yung pagdating ni DJ sa edad na ito. Thank you,” emosyonal na pahayag ni Rommel sa kanyang interview.

Read More: Ellen Adarna, Tinawag na ‘Pangit’ at ‘Praning’ ang mga Babaeng Nagche-Check ng Phone ng Jowa Nila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment