Donnalyn, Nagbabalang Kakasuhan ang Netizen na Nagpakalat ng Malisyosong Fake News Tungkol sa Kanya

Hindi aatras ang social media influencer na si Donnalyn Bartolome sa resbak sa kanya ng mga bashers. Hindi na bago sa social media si Donnalyn, at sanay na rin itong makatanggap ng negatibong comment mula sa ibang tao. Ngunit hindi magdadalawang-isip na magsalita si Donnalyn kung pamilya na nya ang nadadamay.

Kamakailan lang, nagbabala si Donnalyn sa isang netizen na di umano’y nagkakalat ng fake news tungkol sa kanya.

Sa promotion ni Donnalyn para sa bagong sport cars niya, isang netizen na nagngangalang Mark ang pumuna kay Donnalyn at inakusahan itong pinabayaan ang lola niya: “Ang yabang pero lola niya hindi matulungan.”

Read More: Xander Ford, Umani ng Batikos Matapos Tawagin ang Sarili na ‘BTS Jimin’ ng Pinas!

Hindi naman ito pinalampas ni Donnalyn, at agad siyang nag-reply sa comment ng netizen. Nilinaw din niya na wala siyang pinapabayaang mahal niya sa buhay. Dagdag pa ni Donnalyn, maaari niyang kasuhan ng libel si Mark dahil sa pagpapakalat nito ng maling balita na maaaring makasira sa kanyang reputasyon.

“Wala akong pinabayaang mahal ko sa buong buhay ko. Gusto ko sana kasuhan para alam natin that as viewers, we also have to be responsible. We have to know if it’s fake news or not, so pag fake news, don’t spread it. Be a responsible viewer,” pahayag ni Donnalyn.

Sa isang post, nilinaw rin ni Donnalyn ang isyu tungkol sa kanyang lola. Ito daw ay kanyang distant relative, ngunit isang mapagsamantalang Youtuber ang ginamit ang matanda upang mag-trending online imbes na kausapin si Donnalyn ng diretso. Ito rin daw ang naging dahilan ng kanyang stressful moments.

Sa kabila ng lahat, hinimok naman ni Donnalyn ang kanyang mga fans na maging mapanuri sa kanilang nababasa sa social media. At kung alam daw na fake news ito ay wag ng ikalat pa upang maiwasan ang paglaganap nito.

Read Also: Pau Fajardo, Aminadong Labis na Nasaktan Nang Malaman ang Balitang Ikinasal na ang Ex na si Scottie Thompson

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment