Jelai Andres, Napuno na! Nagsampa ng Patong-Patong na Kaso kay Jon at Yumi Garcia

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng muling maging usap-usapan ang vlogger couple na sina Jelai Andres at Jon Gutierrez. April 2021 ng kumalat sa social media ang ginawang panloloko ng Ex-Battallion member sa kanyang misis. Kumpirmado na mayroong relasyon ang rapper sa rookie artist na si Yumi Garcia simula pa noong July 2020.

Si Jelai mismo ang nag-anunsyo sa publiko sa ginagawang kalokohan ni Jon. Ayon kay Jelai, habang inaayos nila ang kanilang pagsasama ay ibang babae naman ang sinasamahan ni Jon. Hindi ito ang unang beses na nagloko ang Ex-Battallion rapper, kaya naman sa pagkakataong ito, mukhang napuno na si Jelai.

Read More: Prinsipe ng Brunei, Agad Na-inlove Matapos Mapanood ang Vlog ni Ivana Alawi! Nais Makilala ang Youtube Star

Kamakailan lang, tuluyan nang nagsampa ng kaso si Jelai sa kanyang mister. Ayon sa report ng Philippine Entertainment Portal, June 1 nang magtungo si Jelai kasama ang legal team nito sa Department of Justice sa Quezon City upang pormal na maghain ng reklamo laban kay Jon.

Nagsampa ito ng kasong concubinage, o pakikiapid ng lalaki sa babaeng hindi nito asawa. Bukod dito ay nauna na ring nagsampa si Jelai ng reklamo sa paglabag ni Jon sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Children Act. Sa katunayan, dumalo na siya sa pangalawang hearing nito noong June 1.

Ayon kay Jelai, balak rin niyang magsampa ng kaso sa ibang tao na involved sa kontrobersyang ito. Hindi man niya ito pinangalanan, haka-haka ng mga netizens ay si Yumi Garcia ito. Dagdag pa ni Jelai, nais niyang maturuan ng leksyon ang mga taong ito upang respetuhin ang pagsasama ng iba.

“Meron pa po akong na-file na ibang cases sa ibang taong involved maliban kay Jon. Sobra na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos yung kabilang panig pa yung naghahamon at parang matatapang. Hopefully, people will learn sa mga nangyari, lalo na yung mga taong hindi marunong mag-respect sa sanctity ng marriage.”

Read Also: Juday, Emosyonal na Ibinunyag sa Publiko Kung Paano Nalaman ni Yohan ang Totoong Pagkatao Nito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment