Prinsipe ng Brunei, Agad Na-inlove Matapos Mapanood ang Vlog ni Ivana Alawi! Nais Makilala ang Youtube Star

Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na vloggers ngayon sa Pilipinas. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang nahuhumaling sa 24-anyos na aktres na ito. Sa katunayan, aminado si Ivana na maraming lalaki ang nagtatangkang bihagin ang puso niya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagtatagumpay.

Sa kanyang vlog, ibinuking ni Ivana na may mga sikat na male personalities na daw ang nagtangkang manligaw sa kanya dati. Ang iba ay ginagamit pa ang kanilang kayamanan para lamang ma-impress si Ivana. Ngunit hindi naman ito umubra, dahil na-turn off ang Youtube star sa mayabang at preskong ugali ng mga ito.

Read More: Private Conversation ni Rob Moya at Lai Austria, Kumalat Online Matapos Ma-Hack ang Account Nito

Kamakailan lang, kumalat ang balita sa social media na may isa na namang nagtangkang makilala si Ivana! Sa pagkakataong ito, hindi lamang basta-basta artista ang nakapansin kay Ivana, kundi isang royal blood pa! Ayon sa Bulgar Online, mukhang nagkaroon ng crush ang Brunei Prince na si Abdul Mateen kay Ivana.

Kabilang sa royal familya sa Bruinei si Prince Abdul Mateen. Bukod sa pagiging miyembro ng royal family, kilala rin ang bachelor prince sa galing niya sa larangan ng sports. Sa katunayan, nag-compete siya bilang isang professional polo player sa South Asian Games noong 2017 at 2019.

Ang tagapag-alaga ng kabayo ni Prince Mateen ay isang malaking fan ni Ivana, at lagi di umano itong nanonood ng vlogs ng Youtube star. Nakita naman ito ni Prince Mateen, at sa unang tingin pa lang ay nabighani na ito sa taglay na kagandahan ni Ivana.

Kaya naman nais daw nitong ma-meet sa personal ang Youtube star. Ngunit sa ngayon naman ay wala pang comment si Ivana tungkol dito. Sa kanyang nagdaang vlog, ibinahagi ni Ivana na hindi siya tumitingin sa yaman o sa panlabas na katauhan ng isang lalaki, kundi sa kabutihang loob nito.

Read More: “It’s very obvious”- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment