"Biglang kumulubot balat ko"- 16-Anyos na Dalagita, Nagmukhang Singkwenta! Paano Nangyari Ito?

Karamihan sa atin ay nangangarap na mas bumata ang itsura. Kung ano-anong diet at kolorete ang sinusubukan natin para lamang mas magmukhang bata kaysa sa ating totoong edad. Ngunit alam niyo ba na may kakaibang kondisyon kung saan tatanda ka ng mas maaga? Sa kasamaang palad, ito ang naging kapalaran ng dalagitang ito.

Kamakailan lang, itinampok sa documentary program na “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kakaibang sitwasyon ng dalagitang ito na maagang tumanda.

Sa kanyang batang edad, mayroon ng mabigat na pinagdaraanan si Raizel. Dahil kahit 16-anyos pa lamang siya, mukha na siyang singkwenta dahil sa maagang pagkulubot ng kanyang balat!

Read More: Bea Alonzo at Dominic Roque, Huling sa Kamera na Magka-Holding Hands sa Kanilang Romantic Dinner Date!

“Sixteen years old lang po ako, pero ganito po ang hitsura ko. Hindi ko po alam kung anong nangyari. Napansin ko na lang po na biglang kumulubot yung balat ko. Nagsimula siya sa leeg ko,” ito ang maluha-luhang pahayag ni Raizel sa kanyang interview sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Bago ito, pinupuri si Raizel sa kanyang taglay na kagandahan. Sa katunayan, sumali pa siya sa mga beauty pageants. Kaya naman hindi niya inaasahan na ganito pala ang mangyayari sa kanyang itsura. Marami pang nais makamit si Raizel sa kanyag buhay, ngunit dahil sa pangyayaring ito ay unti-unti siyang nanlulumo.

Sa loob lamang ng dalawang taon, napakalaki na ng ipinagbago ng itsura ni Raizel. Sa katunayan, tuwing nasa labas siya ay napagkakamalan siyang mas matanda pa kaysa sa kanyang nanay. Maging ang kanyang ina ay nasasaktan din daw sa sitwasyon ng kanyang anak.

Ayon naman sa espesyalista na tumingin kay Raizel, isa itong rare genetic condition kung saan bumibilis ang pagtanda.

Hindi na raw maibabalik sa dati pa ang itsura ni Raizel, at ang tanging magagawa na lang nila ay pangalagaan ang buto nito upang hindi siya mahirapang makagalaw.

Read Also: Matandang Driver, Hindi Makapaniwala sa Ginawa ng Kapwa Motorista Matapos Mabangga ang Kotse Nito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment