Ivana Alawi, Hindi Natuwa sa Prank ng Kapatid at Nanay Matapos Mapagastos ng P400k!

Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na Youtube personalities ngayon sa Pilipinas. Mula sa pagiging aspiring actress, mukhang nahanap na ni Ivana ang kanyang ‘true calling’ sa pagba-vlog. Sa katunayan, kahit pa magda-dalawang taon pa lamang siya sa Youtube ay umani na si Ivana ng mahigit sa 13.4 million subscribers sa kanyang channel!

At sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo pang dumarami ang napapa-subscribe sa 24-anyos na Youtube star. Talagang maraming fans ang naaaliw tuwing napapanood nila ang ‘jologs’ personality ni Ivana sa harap ng camera. Pumatok rin sa mga viewers ang mga nakakatawa at harmless prank ni Ivana at ng kanyang pamilya.

Read More: Nadine Lustre, May Haharaping Kondisyones Matapos Matalo sa Kaso Laban sa VIVA

Kamakailan lang, muli na namang nagbahagi ng video si Ivana, kung saan kasama niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Hash at ang kanilang ina na si Fatima.

Sa pagkakataong ito, hinamon niya si Hash sa isang challenge kung saan magbubunutan sila ng pangalan kung sino ang magbabayad ng kanilang mga bibilihin.

Sa isang box ay naglagay siya ng mga papel na pangalan ni Hash at Ivana ang nakalagay. Tuwing may babayaran sila sa mall, bubunot ang cashier ng papel at kung sino man ang napili ay siya ang magbabayad ng bill. Una nilang pinuntahan ang isang restaurant, at nauna ring nabunot ang pangalan ni Ivana.

Matapos nitong bayaran ang bill na P10,000 ay dumiretso naman sila sa department store. Namili ng bags at iba’t-iba pang gamit ang nanay ni Ivana. Pagdating sa cashier ay umabot sa mahigit P37,000 ang bill, at muli na namang nabunot ang pangalan ni Ivana! Kaya naman wala itong nagawa kundi magbayad na lang.

Ang huli nilang pinuntahan ay isang jewelry shop, kung saan umabot sa daang libo ang napamili ng kanilang nanay. At maging sa shop na ito ay pangalan pa rin ni Ivana ang napili, kaya naman wala siyang choice kundi dukutin ang kanyang card at magbayad na lang.

Pagdating sa bahay, saka lang inamin ni Hash na prank lamang ang lahat! Ayon dito, sinadya niyang kunin ang box at pinalitan niya ang mga papel na puro pangalan lang ni Ivana. Hindi naman mapigilang mainis ni Ivana, dahil mahigit sa P400,000 din ang nagastos niya dito.

Read More: Ellen Adarna, Tinawag na ‘Pangit’ at ‘Praning’ ang mga Babaeng Nagche-Check ng Phone ng Jowa Nila

Panoorin ang buong pangyayari dito:


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment