Totoo ngang hindi natin hawak ang ating tadhana. Kung minsan ay nasa ibabaw tayo, ngunit may mga pagkakataon rin naman na tayo’y nasa ilalim. Kaya naman kahit anong pagsubok ang dumating sa ating buhay, dapat ay handa tayong harapin ito. Gaya na lamang ng dating beauty queen na ito, na taas noo pa rin kahit pa may matinding kinakaharap ngayon.
Naaalala niyo pa ba ang dating beauty queen na si Bea Rose Santiago? Isa si Bea sa mga pinakahinahangaang beauty queen sa Pinas. Bukod sa pagsali sa mga international beauty pageants, isa ring kilalang modelo at actress si Bea, na may lahing half Canadian at half Pinay.


Noong 2011, si Bea ang itinanghal na Mutya ng Pilipinas, at siya rin ang naging representative ng ating bansa sa Canada. Dalawang taon ang nakalipas, sumali siya at nagwagi sa Bb. Pilipinas. Sa parehong taon na ito ay itinanghal rin siyang Miss International 2013, na maituturing na biggest break ni Bea.
Ngunit kamakailan lang ay nagulat ang publiko sa laki ng pagbabago ni Bea. Kung dati ay masigla pa ang beauty queen, ngayon ay bumagsak na ang kalusugan nito.
Maraming fans ang nag-alala sa kalagayan ni Bea, kaya naman ibinahagi rin nito sa social media ang totoong pinagdaraanan niya ngayon.

Ayon kay Bea, nagkaroon siya ng sakit sa kidney. Dahil dito, kinailangan niyang sumailalim sa pagda-dialysis. Dagdag pa nito, nahihirapan rin ang kanyang katawan sa pag-intake ng pagkain na may protein dahil mababa ang kanyang phosphate at hemoglobin levels.
“I need weekly RNS and iron sh0ts to help me since I dialyzed five times a week and each time is 8 hours while I sleep. Works like magic, I love being plant-based, and right now, I’m gonna slowly transition again. Only problem is I’m a lazy cook and a dialysis patient,” pahayag nito.

Read Also: Ogie, Proud na Ipinasilip ang Mukha ng Kanyang Misis na Bagong Gising at Walang Make-Up
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.
0 comments:
Post a Comment