Ready na kayang isapubliko ni Bea Alonzo at Dominic Roque ang totoong namamagitan sa kanila? Yan ang tanong ng mga fans matapos muli na namang magbigay ng clue ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Kamakailan lang, nagbahagi ng mga larawan si Dominic at Bea sa kani-kanilang social media accounts, na sumesenyales na magkasama sila sa isang romantic dinner date!
Sa Instagram, nagbahagi rin ng larawan si Dominic na talagang nagpa-intriga sa mga netizens. Sa photo na ito ay makikitang may ka-holding hands si Dominic.
Maraming netizens naman ang agad na naghalungkat ng photos at sinabing si Bea ang ka-holding hands ng aktor, dahil sa relong suot suot nito na kaparehas ng aktres.


Read Also: Julia Barretto, Inulan ng Batikos Matapos Dedmahin ang Amang si Dennis Padilla sa Father’s Day
Kamakailan lang ay muli na namang gumawa ng ingay ang dalawa sa social media. Sa kabila ng kani-kanilang busy na schedule, sinisiguro pa rin ni Bea at Dominic na magkaroon ng espesyal na bonding time. Nitong nakaraan, mukhang nagkaroon ng secret vacation ang dalawa!
Maraming fans ang na-intriga matapos makitang magkasama si Bea at Dominic sa Amanpulo beach. Kahit pa hindi lantarang nag-post ang dalawa tungkol sa kanilang bakasyon, napansin ng mga fans na mukhang may pagkakaparehas ang vacation pics ng dalawa.

Sa Instagram, mapapansing magkapareho ang mga kuha ni Bea at Dominic sa beach. Kapansin-pansin rin na walang picture kung saan magkasama ang dalawa. Gayunpaman, kutob ng mga fans ay magkasamang nagbakasyon ang dalawa sa Amanpulo.
Sa kanyang nakaraang vlog, ginawa naman ni Bea ang totropahin o jojowain challenge. Pagdating kay Dominic, mas pinili ni Bea na maging boyfriend ito kaysa maging kaibigan. Dahil dito, maraming fans ang kinilig at nag-udyok kay Bea na aminin na kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila.
Read Also: Joel Cruz, Ibinunyag na Mahigit P52 Milyon ang Nagastos Niya Para Ma-Conceive ang Walong Anak!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment