Babaeng Nakikiapid sa Katrabaho Niyang May Asawa Na, Gusto Pang Sirain ang Relasyon Nilang Mag-Asawa

Kakayanin mo pa bang maghanap ng iba kahit pa kasal ka na? Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon, maraming may asawa na ang nagagawa pa ring lokohin ang partner nila. At may mga tao rin na nagagawa pang pumatol sa iba kahit pa alam nilang ito’y kasal na. Gaya na lamang ng sitwasyon ng dalawang mag-katrabaho na ito.

Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang secret confession ng isang babaeng ito. Sa pamamagitan ng isang Facebook page ay humingi ito ng payo tungkol sa kanyang sitwasyon, ngunit mas pinili nitong itago ang kanyang katauhan. Ayon sa babae, mayroon siyang secret affair sa kanyang katrabaho.

Read More: “Iyak ako ng iyak”- Ai-Ai delas Alas, Ibinuking na Pinagtiisan Niyang Maging Kabit sa Loob ng Pitong Taon

Kasal na ang kanyang 28-anyos na katrabaho, ngunit patuloy pa rin ang kanilang affair. Ayon sa 25-anyos na babae, nauna niyang makilala ang lalaki noong ito’y single pa lamang. Magkasama sila sa iisang kompanya, at kahit pa wala silang relasyon ay may nangyayari sa kanila.

Ngunit napikot di umano ng isa nilang katrabaho ang lalaki, at napilitan itong pakasalan ang babaeng iyon. Kahit pa kasal na siya, hindi pa rin tumitigil si sender at ang lalaki sa kanilang ginagawa. Dagdag pa ni sender, nais niyang hiwalayan ng lalaki ang kanyang misis dahil hindi naman niya talaga ito mahal.

“I’ve been having hot s** with my married colleague and I want him to leave his wife. Our sessions are amazing, it was any time, anywhere. It was all so exciting and thrilling,” pahayag ng sender sa kanyang confession.

Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens. Maraming kababaihan ang di mapigilang magalit sa ginagawa ng babae, dahil nais pa nitong sirain ang pagsasama ng mag-asawa. May mga netizens rin na nag-advice sa kanya na mag move on na at maghanap na lamang ng lalaking walang sabit.

Read More: Batang Babae na Di Umano’y Pinaglihi sa Barbie, Hinangaan Dahil sa Kakaibang Itsura Nito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment