"Guys, Paki-Bash"- Maja Salvador, Tinuro si DJ Loonyo Matapos Mainis sa Sinabi Nito

Talagang malayo na nga ang narating ng online sensation na si DJ Loonyo! Kung dati rati ay sa social media lamang siya, ngayon naman ay nag-level up na ito sa telebisyon. Sa katunayan, may bagong project si DJ Loonyo na talaga namang aabangan ng mga fans kung saan makakasama niya ang mga naglalakihang celebrities.

Kamakailan lang, ibinahagi ni DJ Loonyo na makaka-trabaho niya ang beteranang aktres na si Maja Salvador sa isang bagong programa sa TV5.

Ang “PoPinoy” ay talent search show, kung saan kabilang si Maja at DJ Loonyo sa mga “Hunters.” Hosts ng programang ito sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros.

Read More: Prinsipe ng Brunei, Agad Na-inlove Matapos Mapanood ang Vlog ni Ivana Alawi! Nais Makilala ang Youtube Star

Kamakailan lang ay nagkaroon ng media conference para sa upcoming program na ito. Bilang “hunters,” natanong si Maja at DJ Loonyo kung ready na ba silang ma-bash sa social media. Hindi madali ang kanilang gagampanang role bilang judges, at hindi maiiwasang mayroong mang-bash sa kanila dahil dito.

Ayon naman kay Maja, na matagal na sa showbiz at sanay na sa mga kritiko, ready siyang makatanggap ng negative comments bilang isang “hunter.” Ang mahalaga raw ay matulungan nila ang mga contestants na magamit ang talento nila upang makamit ang kanilang pangarap na pagsikat.

“Di baleng may masabi sila kung ano ang gusto nilang sabihin, go, pero at least kami, masaya kami na tutupad kami ng mga pangarap nila,” pahayag ni Maja. Sinang-ayunan naman ito ni DJ Loonyo, at nagawa pang magbiro ni Maja na si DJ Loonyo na lamang ang i-bash.

Itinuro ni Maja si DJ Loonyo at pabirong nagsabi ng: “Guys, sa lahat ng nanonood ngayong ng mediacon, paki-bash.” Sa umpisa pa lang, kitang-kita na ang dynamic ng mga casts kaya naman excited na ang mga fans sa bagong reality show na ito!

Read Also: Juday, Emosyonal na Ibinunyag sa Publiko Kung Paano Nalaman ni Yohan ang Totoong Pagkatao Nito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment