Upang mapatagal ang pagsasama ng mag-asawa, dapat ay hindi kukupas ang pagmamahal sa isa’t-isa. Kahit pa ilang taon na ang inyong relasyon, dapat ay araw-araw mo pa ring sinusuyo ang iyong partner upang mapanatiling buhay ang inyong pagsasama. Ito rin ang sikreto ng celebrity couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
Para sa maraming fans sa social media, maituturing na power couple ng showbiz industry si Ogie at Regine. Ilang dekada na ang pagsasama ng dalawa, bago pa man sila ikasal. Nagsimula sa pagkakaibigan, hanggang sa magkadevelopan ang dalawang singers. Hindi nagtagal ay nabiyayaan rin sila ng masayang pamilya.


Read More: Tupa, Halos Di na Makilala Matapos Ahitin ang Mahigit 34 Kilos na Balahibo Nito!
Ngunit kahit pa matagal na ang kanilang relasyon, buhay na buhay pa rin ang romance sa kanilang pagsasama! Sa katunayan, hanggang ngayon ay pinapakilig pa rin ni Ogie ang kanyang misis. Isa ito sa mga sikreto ng kanilang matatag at mapayapang pagsasama sa loob ng ilang taon.
Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang napakasweet na post na ito ni Ogie. Sa Instagram, proud na ibinahagi ng singer-songwriter na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya tuwing nakikita ang kanyang asawa, kaya naman kahit bagong gising si Regine ay gandang-ganda pa rin siya dito.

Sa video, makikitang walang make-up at tila ba kakagising pa lang ni Regine. Sa kabila nito, proud si Ogie na i-flex ang natural beauty ng kanyang asawa: “Flex ko lang itong nakilala ko. Lord please help me. Guys, showta ko pohs. Nainlab akesh guysh,” pabirong caption nito.
Sa kabilang banda, maraming netizens at fellow celebrities rin ang kinilig sa post na ito ni Ogie. Talagang hindi maipagkakaila na maswerte sila sa isa’t-isa, dahil kahit pa ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala ang kilig sa kanilang pagsasama.
Read More: Babae, Umani ng Batikos Matapos i-Prank ang Jollibee Crew at Umorder ng “Crispy Towel”


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.
0 comments:
Post a Comment