Ayon nga sa kasabihan, ang anak ay kayang tiisin ang kanyang magulang, samantalang ang magulang ay hindi kayang tiisin ang kanyang anak. Gaya na lamang ng sitwasyon ngayon ni Dennis Padilla. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nagkaroon ng malaking hidwaan ang beteranong aktor at ang mga anak nito.
Si Dennis ay nagkaroon ng tatlong anak sa kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto. Nang maghiwalay sila ay napalayo rin si Dennis sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon. Ngunit matapos ang ilang taon ay unti-unti na ring nagkaayos ang mag-aama.

Read Also: Bea Alonzo, Inalala ang Panahong Walang-Wala Siya at Nangungutang Lamang kay John Lloyd
Sa kanyang interview kay Ogie Diaz, ipinahayag ni Dennis na labis na niyang nami-miss ang kanyang mga anak. Ayon dito, December 2020 pa nang makita niya si Julia. Samantalang Christmas 2019 pa nang huli niyang makita si Claudia at Leo. Kaya naman miss na miss na niya ang mga ito.
“Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama kasi willing naman akong magpa-PCR test bago kami magkita-kita para hindi sila matakot! Let’s see, sana makapag-dinner tayo. Ang sagot nila, ‘let’s see papa, see you soon.’ Mga ganu’n ang sagot, hindi specific ang sagot, parang in general.”

Ayon pa kay Dennis, sa video call na lamang sila nagkakausap ng kanyang mga anak ngayon. Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ng aktor dahil hindi siya nakakalimutan ng kanyang mga anak.
Tuwing nag-uusap sila ay sinasabi sa kanya ni Julia na ipinagdarasal siya nito, kaya naman kahit papaano ay gumagaan rin ang loob ni Dennis. Kamakailan lang ay nag-guest din ito sa Youtube channel ng anak na si Julia.
Read More: Netizen, Nagreklamo Matapos Madiskubreng Towel Pala ang Laman ng Chickenjoy Order Niya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment