Beauty Gonzales, Ipa-Partner sa Mas Batang Aktor sa Unang Project Niya sa GMA

Maraming fans ang labis na nagulat sa paglipat ni Beauty Gonzales sa Kapuso network. Ilang taon ring namayagpag ang kanyang acting career sa dating home network niya na ABS-CBN. Sunod-sunod ang hit series ni Beauty, at ang pinakasikat na serye niya ay ang “Kadenang Ginto.” Ngunit matapos magsara ang ABS-CBN ay pansamantala na rin itong nawalan ng proyekto.

Kaya naman excited na ang mga netizens sa magiging takbo ng karera ni Beauty sa Kapuso network. Paniguradong mabibiyayaan ito ng magandang projects, lalo pa’t kitang-kita naman ang potensyal ni Beauty pagdating sa pag-arte. Kamakailan lang, ibinahagi nito na mayroon na siyang bagong show!

Read More: “Lumalapit siya, bumebeso siya”- Jessy Mendiola at Ex-BF JM De Guzman, Magkaibigan na nga ba Ulit?

Mayroon na namang bagong seryeng aabangan ang mga fans. Sa pagkakataong ito, makakatambal ni Beauty ang isang mas batang aktor, ngunit hindi pa ito pinapangalanan. Ayon naman sa report ng Philippine Entertainment Portal, marahil ay si Kelvin Miranda ang magiging bagong on-screen partner ng beteranang aktres.

Pagbibidahan ni Beauty ang bagong romantic series na “Loving Miss Bridgette.” Sa isang Facebook post, nilinaw ni Direk Adolf na sa ngaoyn ay nasa casting stage pa lamang sila. Ayon naman kay Beauty, excited na rin siya dahil hindi ito katulad ng mga usual heavy drama serye niya.

“Excited na ko for our new project. It’s gonna be with a young man. For a change, mga past characters and love teams are usually older than me. I’m excited to play with this new character sa Loving Miss Bridgette. I love the script. I love yung flow ng story. It’s gonna be a new change and change is good.”

At kahit pa walong taon ang ang agwat ni Beauty kay Kelvin, paniguradong hindi ito magiging issue dahil sa professionalism ng dalawa. Kaya naman maraming fans ang inaabangan ang bagong romantic series na ito!

Read More: Isang Ina, Lumuhod na Nagmakaawa sa Dalagang Anak na Nakipagtanan sa 30-Anyos na Lalaki

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment